Totoy, ginawang punching bag

PURO PASA at bukol ang inabot ng isang totoy matapos itong gawing punching bag ng kanyang kalugar na siga sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Kasalukuyan namang nakapiit sa detention cell ng Caloocan Police ang suspek na si Reymart Condino, 19, miyembro ng Commando Gang ng DM Cmpd., ng lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11 ng umaga, naglalakad ang biktimang edad 13 sa nasabing lugar nang harangin ng suspek at sapakin at tadyakan.

Umuwi ang biktima at nagsumbong sa mga magulang na naging dahilan upang ipadakip ang suspek.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.