Totoy, Bugbog-Sarado sa 3

NAGMISTULANG KULAY talong ang katawan ng isang binatilyo matapos pagtripang gulpihin ng tatlong kalalakihan kamakalawa ng madaling-araw sa Caloocan City.

Nilapatan naman ng lunas sa Caloocan Medical Center ang biktimang si Andrei, 13, ng Maypajo, Caloocan.

Nakapiit naman sa Caloocan City detencion cell at nahaharap sa kasong Physical Injury in relation to Child Abuse ang suspek na si Mark Anthony Villanueva, 28, ng No. 144 Dimasalang St., Maypajo ng lungsod habang patuloy na pinaghahanap ang dalawa pang kasama.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:30 ng madaling-araw nang makita ng mga suspek ang binatilyong biktima sa Dimasalang, Maypajo ng lungsod.

Dito, nilapitan ng mga suspek ang biktima at pinagtulungang bugbugin saka nagsitakas subalit hindi na nagawa pang makalayo ni Villanueva nang madakip ito ng mga pulis.

Inaalam na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.