Totnakan sa Mystique at Task Force Vizconde

TAKOT DAW TALAGA itong si Quezon City Police Director Gen. Benjardi Mantele na “dambahin” ang mga club sa Kyusi kahit pa iniuulat na pugad ang mga ito ng putahan.

Gaya na lamang, parekoy, nitong Mystique, aba eh, ma-tindi na ang report hinggil sa diumano ay “totnakan” na nagaganap sa loob ng mga VIP room nito pero hindi ka-yang ipahuli ni Gen. Mantele.

At sinong gago nga naman ang basta na lamang dadamba sa Mystique gayong maugong ang balita na tambayan pala ni “Papa Meyor” ang nasabing lugar!

Itong si Papa Meyor naman, parekoy, panay depensa na hindi raw siya “nag-o-orbit” sa mga “putahan” d’yan sa Kyusi kundi “sosyabol” lamang umano siya.

Susmaryosep, bistado na itong lintek na si “Papa Me-

yor” bilang orbitero o “patong” ng mga totnakan sa Kyusi, panay pa’ng palusot!

Kaya naman payo natin sa mga taga-Kyusi, sa susunod na election ay suriin ninyong mabuti ang isang pulitiko bago ninyo ito iboto.

Eksaminin n’yo na rin, parekoy, pati karakas ng kanilang mga tatay para hindi na maulit itong ginagawa nitong si “Papa Meyor”!!!

KAMAKAILAN LAMANG, PAREKOY, itinatag ng Department of Justice itong Task Force Vizconde.

Layunin daw nito ay upang hanapin at papanagutin ang mga taong responsable sa karumal-dumal na krimen na naganap sa Parañaque City noong Hunyo 30, 1991.

Ito, parekoy, ang tinaguriang Vizconde massacre kung saan, ang mga pangunahing suspek/convict na nakulong nang mahigit na 15-anyos ay pinakawalan ng Korte Suprema kamakailan lamang.

Dahil sa nasabing “acquittal” nina Hubert Webb, et al, muling bumalik sa square one ang kaso.

Kaya nga itinatag itong Task Force Vizconde.

Pero sa totoo lang, parekoy, alam ng mismong mga taga-DoJ na walang patutunguhan ang nasabing task force.

Dahil binuo ito sa iisang layunin… para kalamayin lamang ang kalooban ni Mang Lauro Vizconde.

Kahit ano pang pangako ang gawin ng Task Force Vizconde, wala na silang maipakukulong na tao kaugnay sa pagkamatay ng pamilya ni Lauro Vizconde.

Bakit? Aba eh, hanggang Hunyo 29, 2011 na lamang ang buhay ng nasabing krimen at ito ay magiging 20 anyos na sa Hunyo 30, 2011, kung saan sinasabi ng ating batas na ito ay magpi-prescribed na.

Kahit si Superman pa ang patrabahuin sa nasabing task force, wala na itong magagawa.

Kaya nga mas maganda pang tigilan na ang zarzuelang ‘yan para hindi na magkagastos pa ang gobyerno.

Ipaunawa na lamang kay Mang Lauro na sa mundong ito, napakaraming bagay ang nagaganap sa ating buhay na minsan ay napakahirap ipaliwanag!!!

INAANYAYAHAN KO PO kayong makinig sa aking radio program… ALARMA Kinse Trenta, tuwing umaga alas-6 hanggang alas-7, Lunes hanggang Biyernes sa DZME (Dulong kanan ng inyong tala-pihitan) O, kaya ay mag-log-on sa www.dzme1530.com

Anumang mensahe ay maaaring iparating sa pamamagitan ng junbriones69@yahoo.com o,kaya sa 0932-1688734.

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.