Totnakan sa Caloocan at si Rep. Jerry Treñas

 

SA MAC ARTHUR highway, Caloocan City ay may mga establisyemento na

prente ng prostitusyon.

In-short, putahan!

Sa dami ng mga ito, uunahin lang natin, parekoy, ang dalawa sa kanila dahil ubod ng yabang ang kanilang mga “tsuwariwap”.

Na kesyo hindi kayang tibagin ang kanilang “totnakan” dahil kumpleto sila sa intelihensiya sa mga pulis, mula Caloocan hanggang Crame at Bicutan!

Pati nga raw DILG at NBI ay may lagay rin sila.

Ang sa Caloocan ay kay Major Soriano raw nila ibinibigay!

Ooops, baka magkalimutan he,he,he, ang tinutukoy nating totnakan parekoy ay ang ST2 at Majestic massage.

Ayon na rin sa mga tsuwariwap na ito, ang may-ari raw ng ST2 ay nagpapakilalang CIDG na si Ceralde.

Samantalang ang Majestic massage ay si Teng naman ang may-ari.

Tao mo ba talaga sa CIDG ang Ceralde na ‘yan ha, Gen. Sammy Pagdilao?

Aba eh, super-lakas nga ‘yan!

Mantakin mo, parekoy, kamakailan lamang ay niratsada ng NBI ‘yang ST2 at maraming menor na nakuha at tumuga na ipinapatotnak sila sa loob ng VIP rooms, pero sa awa ng Diyos ay hindi kinasuhan si Ceralde!

Ang mga kawawang manager ang tadtad ng kaso!

Hak, hak, hak! Pwe!

Ito namang Majestic massage ni Teng ay hindi ordinary, parekoy, dahil kalimitan ay mga Tsekwa ang kliyente.

Kung gusto mo, Col. Jude Santos, pumasyal ka, total mukha ka namang Tsekwa, he, he, he.

Kaya lang dapat magara rin ang sasakyan mo… gaya ng makikita mong mga naka-park sa ibaba!

 

MASYADONG MAALALAHANIN, PAREKOY itong si Iloilo Rep. Jerry Treñas sa kalagayan ng mga babaeng dayuhan na nasa ‘Pinas.

Gaya na lamang sa kaso nitong taga-New Zealand na si Elizabeth Jones, 39 anyos at ginahasa umano ng ilang taga-Iloilo.

Maliban sa imbestigasyon ng NBI, CIDG at local police, gusto pa ni Rep. Treñas na magsagawa ng imbestigasyon ang kongreso ukol dito.

Sobra naman yata ‘yan, Cong, tama na siguro ‘[yung imbestigahan ng mga pulis at NBI.

Pero ang magsagawa ka pa talaga ng congressional inquiry tungkol sa kaso ay mukhang sobra ka na niyan!

Over na, ‘ika nga.

Bakit, parekoy, nagpapa-congressional inquiry ba ang ibang bansa kapag may mga Pinay na ginagahasa at pinapatay pa sa ibang bansa?

‘Wag kang masyadong magpasiklab, bossing!

 

Makinig sa aking programang “ALARMA Kinse Trenta”, Lunes-Biyernes, 6-7 am, sa DZME 1530 kHz, at may “live stream” sa www.dzme1530.com. E-mail: junbriones69@yahoo.com; call or text 09321688734.

 

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.