Torohan at bold show sa mga KTV bar sa Caloocan, walang huli

WALA UMANONG GINAGAWANG anumang aksiyon ang Caloocan City government at kapulisan laban sa tatlong KTV bar na nagpapalabas ng “torohan” at mga kababaihang naghuhubad sa harap ng kanilang customer sa kabila ng mga reklamo ng mga concerned citizen at mga magulang.

Ang mga inirereklamong mga KTV bar ay ang Kerrie KTV, SILIP KTV at Show Time (ST KTV) -1 na pawang matatagpuan sa kahabaan ng McArthur Highway, Caloocan City habang ang ST-2 naman ay makikita sa 4th. Avenue ng nasabing lungsod.

Ang mga may-ari umano ng mga nabanggit na KTV bar ay pawang mga “untouchable” dahil sa kabila ng hayagang pagpapalabas ng torohan at paghuhubad ng kanilang dancer sa harap ng customer ay walang kaaksiyun-aksiyon si Mayor Enrico Echiverri, ang Caloocan City Police at Northern Police District.

“Palibhasa malaking maghatag ang mga may-ari ng KTV bar sa mga kinauukulan kaya hindi nagsasagawa ng pagsalakay,” wika ng isang ayaw magpakilalang concerned citizen.

Aniya, ang mga guest relation officers (GROs) at mga bold dancer ng mga naturang KTV, karamihan ay pawang mga menor de edad, at mga walang working permit mula sa Caloocan City Hall. Diumano, ang hinuhuli ng mga awtoridad ay ang mga kababaihang naglalako ng panandaliang-aliw sa kalye, pero ang KERRIE, SILIP at ST-1 at ST-2 ay hindi man lamang sinasalakay, palibhasa ay naghahatag, ayon pa sa concerned citizen. (ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.