(Anniv Issue) TOP TEN MOST COVERED CELEBRITIES

by Parazzi News Service

Sa loob ng isang taon, isa sa Cristine Reyes sa madalas na i-cover ng Pinoy Parazzi. Ngunit ano nga ba ang mga isyung kinakasangkutan nito ni Cristine at madalas front cover siya? Ang totoo niyan ay halos sa lahat ng pagkakataong lumabas siya sa front cover, love life niya palagi ang tampok na istorya. Nariyan ang pagkakalink niya kay Willie “Papi” Revillame, siyempre ang madamdaming lovelife nila ni Dennis Trillo at ang pagkakacrush niya kay Jericho Rosales. Ano ba talaga ang dapat mauna? Show Business ba muna or pleasure?

Hindi maipagkakaila na isa si Marian Rivera sa pinakasikat na artista ngayon. At siyempre kapag sikat ka, asahan mong maraming balitang ilalabas ang tungkol sa iyo, mapabuti man o masama. Pero sabi nga sa showbiznezz, good or bad publicity is still publicity. At bilang patunay ay anim na beses na lumabas itong si Dyesebel/Marimar sa cover ng Pinoy Parazzi. Mula sa kanyang diumano’y pagiging nega sa ibang tao hanggang sa pagiging sexiest woman, tuloy ang pag-inog ng buhay ni Marian sa larangan ng showbiz!

Matters of the heart naman ang dahilan kung bakit apat na beses lumabas itong si Heart Evangelista sa cover ng Pinoy Parazzi. Una ay ang paghihiwalay nila ni Jericho Rosales dahil diumano kay Carmen Soo. Pero hindi naman nawalan ng puso itong si Heart at nakatagpo naman siya ng katuwang sa pag-ibig sa katauhan ni Francisco Delgado.

Dito lang lumabas ang diumano’y larawan ng ex-PDA Scholar na si Irish Fullerton at ibinubuyangyang niya ang kanyang kaluluwa sa harap ng maraming tao. Apat na isyu ng Pinoy Parazzi ang nilabasan ni Irish na pinagpiyestahan ng mga tao.

Ang Diyosa ng kagandahan na si Anne Curtis ay tatlong beses nailabas sa front cover ng Pinoy Parazzi. Dalawa dito ay ipinapakita ang natural na kagandahan ng seksing young actress na ito. Ngunit dyosa man o hindi, may karapatan pa rin siyang umibig sa isang mortal na katulad ni Luis, o si Sam? Sino ba talaga sa dalawa?

Nag-iisa lang ang Optimum Teleserye Queen ng Primetime Bida, walang iba kundi si Claudine Barretto. Sa totoo lang, sa tatlong beses na lumabasa siya sa cover ng Pinoy Parazzi ay may kinalaman dito ang pagbabalik showbiz ng isa sa mga Baarretto sisters.

Anu ba naman ang showbiz kung walang intriga tungkol sa phenomenal love team? Ang Marian Rivera – Dingdong Dantes tandem, ang tambalang Marimar – Sergio, ang pagmamahalang Dyesebel – Alfredo, na pumukaw sa imahinasyon ng milyong-milyong Pilipinong manonood. At siyempre, hindi pinalampas ng ating parazzi photogs ang diumano’y kasweetan ng dalawang artistang ito on and off camera. Sa katunayan nga ay tatlong beses silang lumabas sa cover ng Pinoy Parazzi at pinagtibay nila ang paniniwala ng sambyanan na mas bagay sila sa isa’t isa.

Sa tatlong beses na lumabas ang Mocha Girls sa cover ng Pinoy Parazzi, hinding-hindi maitatanggi na talaga naman napakakontrobersyal ng kanilang pinaggagawa sa harap ng lente ng camera ng ating parazzi photog.

Sino nga ba ang hindi makakakilala sa tinaguriang Primetime King ng Kapuso Network? Walang iba kundi ang matinee idol na si Richard Gutierrez. Ilang beses din siyang nailabas sa cover pero hindi naman ito tungkol sa kanyang kahusayan sa pag-arte, bagkus ito ay tungkol sa pagkakalink ng binata sa anak ng Megastar na si KC Concepcion. Pero maliban na lang nitong huli na kung saan sangkot siya diumano’y gulo kasama ang isa pang Kapuso na si Aljur Abrenica.

Ano’ng makukuha mo kapag pinagsama mo ang isang Primetime King at isang anak ng Megastar? Aba’y tatlong cover isyu ng Pinoy Parazzi tampok ang matinee idol na si Richard Gutierrez at ang magandang dalagang si KC Concepcion na kung saan ipinapakita ang uber-sweetness ng dalawa sa isa’t isa. Pakulo nga lang ba nila ito o talagang may namagitan sa kanilang dalawa? Sila lang ang makakasagot niyan.

Si Roxanne Guinoo ay iyong tipo bang babae na sweet on the outside but rough on the inside? Tingnan nyo na lang kung bakit sa tatlong beses na lumabas siya ay para bang may ayaw na nangyayari? Una ay sa kanyang ugaling pakawala pagkatapos ay binugbog diumano siya ni Jake Cuenca. Sino ba talaga may problema?

Ang tanging mga pagkakataon na lumabas si Rudy Fernandez bilang cover ng Pinoy Parazzi ay iyong nasa himlayan na ang nag-iisang Daboy ng Philippine Cinema. Siya ay naging larawan ng katatagan at katapangan sa gitna ng matinding karamdaman.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.