Top Taxpayers ng Navotas, Pinarangalan

BILANG BAHAGI PA rin ng 105th Founding Anniversary ng Navotas, pinarangalan at pinasalamatan ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang mga responsableng tax payers ng lungsod.

Ayon kay Business Permits and Licensing Office Chief Marita Trinidad, ang mga ginawaran ng parangal ay ang mga kumpanyang nagsilbing modelo sa maagap na pagbabayad sa kanilang mga buwis sa lungsod.

Ang mga binigyan ng pangrangal ay ang Linton Incorporated, Purechem Corp., Vifel 1 Iceplant and Cold Storage Inc., Western Garments Inc., Frabelle Fishing Corp., Vifel 2 Ice Plant, Via Marine Corp., at Sonic International bilang mga Top Business Taxpayers ng lungsod.

Ginawaran din ng parangal ni Tiangco ang La Paz Ngo, Vifel Staples Food Corp., Columbia Reinier and Russel Yap Goi Properties, RBL Corp., Melcom Development, Asaian Shipyard/Ravago/Sy Properties, Frabelle Fishing Corp, KTL Dev. Corp., TP Marcelo/Luz Ice Plant and Unity Fishing Dev. Corp.

Nagpasalamat ang alkalde sa mga nabanggit na patuloy ang pagsuporta sa lungsod sa pamamagitan ng pagbabayad ng karampatang buwis at pagpapakita bilang mga res-ponsableng investors kung kaya patuloy ang pag-unlad ng lungsod.

Ipinagmalaki rin ng alkalde ang mga napipintong proyekto ng Navotas bilang bahagi ng “SUSUNOD NA “ proyekto ng lungsod gaya ng karagdagang mga school buildings, CCTV, housing projects, at marami pang nakahanay na proyekto.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.