Top sniper tadtad ng taga; lamang-loob, tinanggal ng MILF

KINUMPIRMA NG KAANAK ng napaslang na si Pfc Roberto Ricafranca na hindi “killed in action” ang kanilang kapatid

na sundalo laban sa lawless element ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), kundi sa brutal na pamamaraan.

Ayon sa kapatid ni Ricafranca na si Sgt. Michael Ricafranca, tinadtad ng taga, kinuha ang internal organs at hindi na makikilala ang kanyang nakababatang kapatid na si Roberto nang matagpuan ito sa Al-Barka, Basilan.

Aniya, nakilala lamang ang bangkay ng kapatid sa pamamagitan ng tattoo nito at peklat sa paa.

Naniniwala si Michael na matindi ang galit ng mga rebelde sa kanyang kapatid dahil napatay nito sa mga naunang military operation ang isang kumander ng Abu Sayyaf.

Ngunit naniniwala rin ito na bago namatay ang kapatid, may napatay rin itong mahigit sa 10 miyembro ng MILF dahil isa itong sharpshooter at naging Top 1 sa kanyang sniping class noong 2007.

Ang 32-anyos na si Roberto ang tanging sniper na napasama sa grupo ng mga nasawing sundalo, kung saan nasa military service din ang dalawang kapatid nito.

May pagkakataon sana itong tumakas ngunit nagpaiwan ito at iniligtas ang sugatan na pinsan na si Pfc Alex Ricafranca at pinatakas kasama ang iba pa nilang mga kasamahan.

Si Roberto ay tubong-Lamitan, Basilan subalit nakapag-asawa ng taga-Dumangas, Iloilo at may dalawang anak na babae. Sa Iloilo inuwi ang kanyang bangkay para ilibing.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.