Top 10 Next Wave Cities para sa BPO sector, pinangalanan

LUMALAKAS ANG industriya ng Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa at sa sector na ito ay halos talunin na natin ang India sa pangunguna.

Kontra sa karaniwang pagkakaalam, ‘di lang callcenters ang BPO kundi pati rin ang animators at non-voice transactions, gayundin ang Information Technology.

Tinatayang nasa 300 na kumpanya ang nakatakdang mag-invest sa mga lungsod sa labas ng mga BPO Hub gaya ng Clark, Manila at Davao, kaya ipinakilala ng Information Communication Technology Office kamakailan ang top 10 next wave cities.

Kabilang ang Metro Bulacan (Malolos, Marilao, Calumpit, Meycauayan at Baliwag), Baguio, Dumaguete, Iloilo, Lipa, Metro Cavite (Dasmariñas, Imus, Cavite), Metro Laguna (Cabuyao, Calamba, Sta Rosa, San Pablo at Los Baños), Metro Naga (Naga at Pili) at Metro Rizal (Antipolo, Binangonan, Taytay at Cainta).

Layunin nitong ipakilala ang nasabing mga pook na maaaring lagyan ng BPO upang maikalat ang mga pag-asenso ‘di lamang sa malalaking lungsod gaya ng Metro Manila.

(MJ BALAGUER)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.