Too drunk to walk: Solenn Heusaff had to be carried back to hotel

KATATAPOS LANG NG Holy Week, tila nagsisiraan na ang mga naglalabasang isyung bumulaga sa atin.

Marami ang nagulat sa pasabog ng Paparazzi nang magpa-interview si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Me-neses, kung saan may inilabas sina Cristy Fermin na pinaghahandaan umano nina Aiko Melendez na paninira laban sa kanya. Merong bakla raw ito.

Nagulat si Mayor Meneses dahil wala siyang kaide-ide-yang ‘yun pala ang ilalabas sa interview.

Pinag-uusapan na ngayon ang binabalak daw ni Mayor Meneses na pagsampa ng demanda laban sa dating kasintahan.

Siguro mabuting pairalin muna ang pagiging mahinahon sa ganung bagay.

In fairness naman kay Aiko, hindi siya ang naglabas ng ganu’ng balita. Base sa mga pinagdaanang relasyon ni Aiko, wala kaming nababalitaang may sinasabi siyang kasiraan sa dating karelasyon.

Kaya nga naging friends sila uli ni Jomari Yllana at okay naman sila ni Martin Jickain na ama ng bunso niyang anak.

Iyun ay inilabas ng Paparazzi na wala pang katiyakan kung talagang kay Aiko nga ba ito o kung kanino nanggaling ang ganu’ng kuwento.

Ayaw na nga muna ni Aiko na magsalita tungkol diyan dahil naghihintay lang daw siya ng tamang panahon bago siya magbigay ng statement.

Abangan na lang muna natin iyan! Pero ang pangit na naglalabasan ng mga baho nila dahil matagal din naman ang pinagsamahan nila, ‘di ba?

ANG ISA PANG nag-i-emote ay itong si Solenn Heussaff na napabalitang nakita raw itong lasing na lasing sa Boracay na binitbit na lang pauwi sa kanyang hotel.

Narinig ko ang kuwentong ‘yun at kilala ko kung sino ang source ng nagsulat. Parang nandu’n siya mismo sa pinangyarihan. Pero ang pagkukuwento, parang nag-i-enjoy lang daw talaga si Solenn sa inuman nila ng mga kagrupo niya. Hindi naman daw talaga binitbit, as in hindi na makalakad pauwi. Pero tinulungan na itong makauwi dahil nalasing na nga.

Maaaring iba lang ang pagkagamit ng terminong binitbit, pero nalasing daw talaga ito sa inumang ‘yun sa Boracay.

May iba pang kinuwento ang aming source pero nakiusap itong huwag na naming isulat para hindi na raw lumaki.

Alam kong malapit naman kay Solenn ang nagkuwentong ito, at magkaibigan naman sila, pero walang intensiyong siraan dahil walang malisya ang pagkakuwento nito.

Wala naman daw masama kung mag-enjoy nang husto du’n sa Boracay dahil bakasyon naman ‘yun. Pero kung kilala ka na, dapat mag-ingat ka rin sa mga ikinikilos mo dahil kilala ka na ngayon, eh. Kung may pinangangalagaan kang image, dapat na mag-ingat ka na rin. Kasi maaaring walang malisya sa ‘yo ang mga ikinikilos mo, pero iba ang interpretasyon sa iba, wala ka nang magagawa kung maiintriga ka na.

Lalo na diyan sa Boracay na napakaraming kumakalat na mga reporters na naghahanap nang ibabalita.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

8 thoughts on “Too drunk to walk: Solenn Heusaff had to be carried back to hotel

  1. @ Kawawa naman ang TUM, agree ako sa yo, Oo nga no? Si Georgina Wilson din na link kay Ritsard, kaibigan sila ni Solenn, Anne. Hayyy naku, basta related sa mga Gutierrez na yan, alam nyo na, mabango sa balita. Sa abroad ba ito lumaki itong Solenn na ito? She needs to be careful of her actions kasi she was once called a “BIMBO” by a foreign reporter. At ito na naman ngayon. Artists need to remember that Boracay is loaded with reporters waiting to get good pictures for money. Iyon kasi ang bread and butter ng mga paparazzi and you cannot blame them. If you don’t want to be in that scandalous situation, be responsible. Sana may mga pictures na lumabas as evidence para end of story. Calling reporters out there. Or baka nabili na yong mga pictures by you know who!!!!!!!!

  2. Si Richard Gutierrez, lahat nang nasa barkadang ito, almost, pinatulan niya. Si Anne Curtis, Solemn, at hindi ba, si Angel Locsin, kaibigan ni Bubbles Paraiso? Mukhang si Anne Curtis and Solemn are playing musical chairs, Behave ba si Anne kung kasama sila ?

  3. i like solenn pero sana next time eh mag-ingat cya kc public figure na cya! mas gusto ko article ni manay lolit kc balanced ang reporting niya at hindi sensationalized!

  4. malandi naman talaga yang babae na yan! lahat ng mga foreign celebrity dito lage nya ka-date..tama lng ang pag ka label sa kanya as “BIMBO!

  5. Katawa naman yung pagkakasulat sa front page nito….

    “Too drunk to walk: Solenn Heusaff had to be carried back to hotel by Lolit Solis”

    Akala ko si lolit solis ang nagbuhat kay solenn haha

  6. actually totoo to we saw here in summer place na bar.. she was soooo drunk and hes flirting with this brazilian guy.. then around 3 am sya ung humahatak sa guy. this is infront of phillip morris event. then kinabukasan lasing na naman sya sa marlboro event :) what happens in bora stays in bora :) but not all the time :P

  7. @Eliahkoh, agree ako sa yo, fair yata ang reporting ng mga mata ni Lolita ngayon ah! Yan ang dapat gawin ng may credibilidad na reporter, patas, sana tuloy tuloy na ito para naman marespeto sya sa mga tao. For your eyes only Lolita, I will say AMEN to this article. Keep the fair reporting coming. Good girl!!!! :)

  8. After all my hates for you Manay, naibsan. Kasi feeling ko wala kang pinaburan ngayon both sides may maganda kang pinaparating na mensahe. Tama pareho, sana’y lagi kang ganyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.