Tony S at Nepumuceno namamayagpag: DILG SEC. ROBREDO HINAMON SA SUGAL

SUGALMALIBAN SA PROBLEMA ng tanggapan ni Department of Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo, kung saan ito ay hinihiling na mag-resign sa puwesto kaugnay sa naganap na “hostage drama” noong Agosto 23 sa Luneta, isa pang “hamon” sa kakayahan ni Robredo ang kasalukuyang pinag-uusapan ng mismong ilang opisyal ng PNP.

Tungkol ito sa mistulang kawalan ng kakayahan ng DILG secretary o pagiging inutil umano nito sa pagsugpo ng iligal na sugal na jueteng na kasalukuyang namamayagpag sa buong bansa, partikular na sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.

Tinumbok ng mga impormante ang “jueteng” ni Elmer Nepumuceno, kung saan talamak ito sa Marikina, Makati, Pasay, Las Piñas, Parañaque, Taguig, Pateros, Muntinlupa at maging sa lalawigan ng Cavite.

Isa pang “jueteng king” na tinuran ng mismong PNP officer ay si Tony Sy, kung saan ang “bagman” nitong si alyas Dindo at ang anak ni Tony na tomboy ay nagmamalaki pa umano na hindi sila kayang patigilin ni Robredo dahil nakaaabot umano sa tanggapan ng DILG secretary ang kanilang “intelihensiya.”

Kaya naman isang hamon para kay Sec. Robredo, ayon pa sa nasabing PNP officer, kung mapapatigil nga nito ang operasyon ng dalawang “gambling lords” upang mapatunayan na rin ni Robredo na hindi umaabot sa kanyang bulsa ang “pera” mula sa iligal na sugal na hinihinalang umaabot sa milyones ang arawang kubransa.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “Tony S at Nepumuceno namamayagpag: DILG SEC. ROBREDO HINAMON SA SUGAL

Leave a Reply

Your email address will not be published.