Toni, iniluwal na si Baby Seve

Toni Gonzaga and Baby Seve

Toni Gonzaga and Baby Seve

Kuwento ni Mommy Pinty, mother ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga, sa late night dinner for the cast and invited press sa premiere night ng pelikula ni Alex, nagko-contract na pala si Toni habang habang pinanonood ang pelikula ng kanyang kapatid na “My Rebound Girl” at manganganak na anytime.

“Baka sa loob ng sinehan kanina, anytime ay manganak siya,” sabi ng ina ni Toni sa umpukan ng mga press sa isang table noong Tuesday evening (bale early morning na ‘yun ng Wednesday).

Pero early this morning , Friday September 30, at around 5:32 a.m., nanganak si Toni ng isang baby boy na matagal na nilang hinihintay ng mister na si Direk Paul Soriano na pinangalanan nilang Severiano Elliot Gonzaga Soriano na may nickname na Seve at may timbang na 7.2 lbs.

Nagluwal si Toni sa St. Luke’s Medical Center sa Bonificio Global City.

Ayon sa mensahe ni Direk Paul sa kanyang Instagram account na gusto niyang iparating sa fans ni Toni at mga kaibigan, “Tin and Seve are doing great and taking it easy. Thank you all for your prayer and support. God Bless.”

We wish Direk Paul and Toni good health for their baby. Congratulations!

Reyted K
By RK VillaCorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.