TONI GONZAGA, TSUGI NA SA PELIKULA NI VIC SOTTO!

DAHIL sa pagtanggap ni Toni Gonzaga sa bagong noontime show ng ABS-CBN na Happy, Yipee, Yehey!, naudlot ang sana’y reunion nila ng Eat Bulaga host na si Vic Sotto.

Balitang sumama ang loob ng kampo ng beteranong aktor sa pagtanggap ni Toni sa bagong show na makakabangga ng Eat Bulaga. Kaya si Bea Alonzo ang bagong leading lady ni Bossing Vic sa pelikulang gagawin sa Star Cinema. Nakilala bilang isang versatile performer si Toni nang ma-ging co-host siya sa Eat Bulaga bago siya lumipat sa Kapamilya network.

JERICHO ROSALES, NAIINLAB NA KAY ALESSANDRA DE ROSSI!

Naging bibo ang takbo ng usapan sa presscon ng Green Rose, ang bagong teleseryeng pagbibidahan nina Jericho Rosales at Anne Curtis. Buong tapang kasing inamin ni Jericho sa lahat na muntikan na siyang nainlab kay Alessandra de Rossi.

Kilala si Alessandra sa pagiging prangka at bungisngis, kaya naman hindi raw naiwasan ng aktor na makaramdam ng kasiyahan sa tuwing kasama ang akres, at hindi nga nito ikinaila na naiinlab na ito sa dalaga.

Halata namang kinilig si Alex sa mga ibinunyag ng aktor. Matagal nang single si Alex at balitang hiwalay na si Jericho sa TV host na si Cesca Litton. Hmmm… why not?

SOLENN HEUSSAFF, NILAMON NI LOVI POE?

Marami ang nagsasabi na magandang love trilogy movie ang My Valentine Girls. Maliban sa pagkakaroon ng apat na magagandang leading ladies, naipakita rin ni Richard Gutierrez ang kanyang versatility bilang aktor.

Sa ikalawang episode, sina Solenn Heussaff at Lovi Poe ang nakasama ni Richard. Baguhan lamang sa showbiz si Solenn, pero may potential itong mag-grow bilang isang aktres kahit pa halatang mas angat ang akting ni Lovi sa kanya. Kung mabibigyan pa ng mas magagandang project, paniguradong magsu-survive sa showbiz ang bagong pambato ng Siyete.

KRIS BERNAL, BAGONG PINOPORMAHAN NI JOLO REVILLA?

Totoo kaya ang tsikang pinopormahan ni Jolo Revilla ang Koreana lead star na si Kris Bernal?

Namataan diumano ang young actor na dumadalaw sa set ng programa. Sa isang interview, idinenay ni Kris na pinopormahan siya ni Jolo. Kung sa bagay, malakas ang balitang ang Party Pilipinas mainstay na si Jay Perillo talaga ang boyfriend ng aktres kahit pa nu’ng panahon na malakas pa ang tambalan nila ni Aljur Abrenica.

Kailan naman kaya aaminin ni Kris ang tunay na estado ng kanyang puso? Kapag pinaiyak at iniwanan na siya?


Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

ShowTwitz

About the Author

has written 67 stories on this site.

loading...

One thought on “TONI GONZAGA, TSUGI NA SA PELIKULA NI VIC SOTTO!

  1. Pingback: Tweets that mention TONI GONZAGA, TSUGI NA SA PELIKULA NI VIC SOTTO! | Pinoy Parazzi -- Topsy.com

Leave a Reply

Your email address will not be published.