Toni Gonzaga, thankful na ‘di sila nagkaroon ng relasyon ni Piolo Pascual

Toni-GonzagaPiolo-PascualMARAMI NA ang nag-aabang sa pelikulang Starting Over Again na pinagbibidahan sa kauna-unahang pagkakataon nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga. The movie tells the story of Ginny (Toni) and Marco (Piolo) na nagkakilala sa school and na-in-love sa isa’t isa but their relationship abruptly ended when she left for no obvious reason. Nang magbalik si Ginny, she finds herself wanting to rekindle her past romance with Marco pero may iba na itong mahal.

Una silang nagkasama sa isang softdrink commercial kung saan main endorser si Piolo. Sino ang makalilimot sa katagang “I love you, Piolo” na pasigaw na binigkas ni Toni when she saw him at sa bandang huli ay niyaya niya ito para magpa-picture? This TVC paved the way for the young Toni to enter showbiz and the rest, as they say, is history. Makalipas ang sampung taon mula nang gawin nila ang nasabing commercial ay nauwi na sa big screen ang kanilang inaabangang tambalan.

Marami ang kinikilig sa dalawa pero sinabi ni Toni that they are better off as friends. (Piolo previously admitted that they once dated but he did not want to hinder her showbiz dreams.) Magkakaroon daw kasi ng ilangan sa pagitan nila kapag hindi na-develop ang relasyon. Hirit pa ni Toni, buti na lang at na-link sa ibang babae si Piolo nang panahong iyon. “Pasalamat ko nga na sa iba siya na-link. Niloloko nga ako dati sa The Buzz nina Ate Kris (Aquino), Tito Boy. Sabi ni Ate Kris, ‘Ayan, kaartehan mo, na-link na sa iba. Hindi na ikaw,’” kuwento niya during an interview with Pep.ph.

Toni added, “Actually, nasabi kong okay, kasi imagine mo, kung nagkaroon ng something, tapos hindi naman nag-develop or hindi naman na-pursue, magkakaroon ng ilangan.”

Sa ngayon ay kapwa masaya sa kani-kanilang lovelife sina Piolo at Toni. Piolo is being linked romantically to Shaina Magdayao. Kahit sinasabi nilang magkaibigan lang sila, many believe there is something special going on between the two stars. Meanwhile, Toni is happily in-love with Direk Paul Soriano. Bilib ako sa tibay ng relasyon ng dalawa. Kasal na lang talaga ang kulang pero let’s wait and see kung kailan magaganap ang kanilang altar date.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

4 thoughts on “Toni Gonzaga, thankful na ‘di sila nagkaroon ng relasyon ni Piolo Pascual

  1. Bongga ang premier. Top executives ng dos present lahat, maski na si Sir G. Handa na kaming panoorin dito sa Redwood City ang movie. Maski na hindi na link si Piolo at Toni, ang lakas ng tandem nila. Kilig ako. . . .

Leave a Reply

Your email address will not be published.