Toni Gonzaga, special treatment ang natatanggap sa Dos?!

SI TONI Gonzaga ang feature ng Wansapanataym para sa buong buwan ng Marso kung kaya’t di maiwasang mahaluan ng intriga na mukhang may special treatment daw na ibinibigay ang Kapamilya Network sa TV host/actress lalo’t first time itong mangyayari sa nasabing show at halos araw-araw na talaga siyang mapapanood mula sa PBB, Wansapanataym hanggang The Buzz.

Binigyang-linaw naman agad sa amin ni Toni na walang espesyal na trato na ibinibigay sa kanya ang Kapamilya Network. Maaaring sumabay lang ang nasabing mga proyekto sa PBB launch kung kaya’t araw-araw siyang mapapano-od sa telebisyon ngayong buwang ito. Nagpapasalamat ang TV host/actress sa patuloy na tiwala at mga proyektong ipinagkakaloob sa kanya ng Kapamilya Network at kung nabibigyan man siya ng magagandang mga projects sa ngayon, ito ay dahil maaaring nakikita ng istasyon ang pagmamahal at dedikasyon na ibinibigay ni Toni sa kanyang trabaho.

Tinanong din namin kung ‘di ba iniyakan ang pagkawala ng Happy, Yipee, Yehey!, ikinuwento sa amin ni Toni na naiyak siya mismo nu’ng live dahil nakita niya ang mga taong katrabaho nila sa likod ng kamera na mas maaga pang nagtatrabaho at nagpapakahirap para sa show. Nagpakatotoong sinabi sa amin ni Toni na sanay na siyang mawalan ng shows dahil na-experienced niya dati ang sunud-sunod na mawalan ng limang programa, pinanghahawakan ng TV host ang positibong paniniwala na ‘pag may nagsasara sa iyo, siguradong mayroon namang magbubukas.

Bago rin magsimula ang Year of the Dragon, hinulaan ang relasyong Toni-Direk Paul Soriano na mauuwi sa hiwalayan, kung saan magiging dalagang ina raw ang TV host/actress at iba ang magiging ama. Nagulat si Toni sa tanong namin dahil first time pala na nakarating sa kanya na may ganitong hula sa kanya. Para kay Toni, ang hula ay maaaring magkatotoo o hindi, pero ayaw niyang mag-entertain ng ganitong negatibong ideya kung saan puro positibo ang inilalagay niya sa kanyang isip.

Tulad ng kapatid na si Alex na huling taon na lang ay ga-graduate na sa kursong Education, gusto sanang tapusin ni Toni ang kanyang pag-aaral dahil third year college na pala siya sa kursong Mass Communication major in Journalism nang mag-shift siya sa kursong AB English sa Asian Institute for Distance Education. Pero dala nga ng hectic schedule sa showbizness, ‘di pa ito magawa ni Toni.

 

PARA SA amin, unfair na sabihin ang paulit-ulit na sinasabi ng iba na kikita at tatayo ang No Other Woman at Praybeyt Benjamin kahit wala si Derek Ramsay sa nasabing mga pelikula.

May sariling hukbo ng mga tagahanga si Derek at wala pang pelikulang sumemplang sa takilya mula sa One More Chance, And I Love You So, I Love You Goodbye at iba pa. Kaya hindi naman fair ang litany ng iba na kahit iba ang leading man ng dalawang pelikula.

Propesyonal, may malasakit sa trabaho, mahusay makisama, may respeto,may ibubuga sa acting bukod pa sa isa sa top leading man natin sa ngayon, sana  ay matigil na rin ang isyu na ito na pinupukol kay Derek dahil wala namang basehan at katotohanan.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

10 thoughts on “Toni Gonzaga, special treatment ang natatanggap sa Dos?!

  1. isa itong si duling na binabayo ng abs-cbn exec kaya may special treatment. kaya di magalaw ng mga male celeb ito dahil natatakot baka may std na ito. pa-conservative pa kuno ang image eh pokpok din naman

  2. hindi kasalanan ni ate toni kung may special treatment sa kanya, baka may offer o future offer kay toni kaya inunahan na sya ng dos, ganyan naman eh, pag may pakinabang pa sa network, they’ll keep the artists pero pag wala nang pakinabang ( can u hear me ate shawie?) pababayaan na lang!

  3. trulili, baka magsalubong ang mga MATA ng tv host actress na yan kung nakita niya kung paano makipagLAPLAPAN ang dyowa niya sa isang TRANSEXUAL sa isang bar! Kalowkah, mas enjoy pa ang dyowa sa isang transexual kaysa sa piling ni Toni!

  4. Samtin, i totally agree with you. Toni carries herself well and she commands respect, Wala kang maririnig na kabalbalan na ginawa siya. Both her grandparents were former mayors of Taytay but you can never hear her bragging about it. Tahimik lang siya. Go Toni. Crush ng bayan. Ignore your detractors. May mga idolo sila na ayaw nilang nasasapawan. I’ll name a few but it is obvious who they are. Tahimik na lang tayo. @Kukay, obvious rin na magaling kang gumawa ng istorya. Ikaw ang parang naduduling sa galit. Relax. Take a deep breath and stop sniffing those chemicals. You can end up brain dead.

  5. ang dapat asikasuhin ni Toni ay yung jowa nyang nakitang nakikipaghalikan sa isang girl sa bar. baka maduling lalo sya sa galit

  6. excuse me po..kung flop man ang pbb eh hindi kasalanan ni toni yun noh! sino bang namili ng mga walang kwentang housemates si toni ba? kaloka yung mga comment ng comment di nag iisip..maka comment lang! kahit idol ko si toni eh minsan di rin ako nanonood ng pbb dahil walang kwenta panooring yung mga housemates..

    i strongly disagree na she received special treatment..aba kung ganon siguro baka may sarili na rin syang show noh…

    at yung isa dyan..na sinasabing wala na bang ibang artista sa dos..ay marami po.. ang tanong…tatangkilikin din ba sila? the fact na binigay sa kanya ibig sabihin mas may tiwala sa kanya ang management kesa don sa ibang artista na hinhanap mo.

  7. Nagkaroon ng special aid at TREATMENT sa mga numbers ni Toni G sa ABS CBN dahil karamihan ay lip synch kaya nagagawan ng paraan at SPECIAL TREATMENT para mabura ang pagpiyok ni Toni G at maitawid yung mga nota kung saan kapos na kapos sa hininga si Toni G.

  8. its sooo obvious naman na may special treatment kay toni ang abs. eversince, makikita mo ang panga niya from monday to sunday kahit walang pbb may mga shows na ipapalit. sila ni kim ang hindi nawawalan ng work sa abs. grabe nakakasawa na din buti na lng wala na ang HYY kasi whole day talaga siya na lng ang palabas.minsan maiisip mo wala na bng ibang artista ang network sobrang nakakaumay na manood.

  9. I think this is about Toni Gonzaga on special treatment by ABS CBN in covering up the HUGE flop-ness of PBB late last year and this year! Ang laki laki ng ibinayad ng ABS CBN sa franchise ng Big Brother na ipinangutang pa nga ng network, pero SEMPLANG naman sa tv ratings!

  10. Yeah right! ABSCBN won’t even give her a good teleserye or movie besides MAG! They even removed HYY less than a year. i don’t see any special treatment

Leave a Reply

Your email address will not be published.