Toni Gonzaga, sinisisi sa naunsyaming MMFF entry ni Sen. Bong Revilla Jr.?!

SA ISYUNG lumalabas na ang magulo at hectic schedule daw ni Toni Gonzaga ang rason kung bakit hindi naipasok ang My Super Kap sa 2013 Metro Manila Film Festival na sana ay pagsasamahan nila nina Sen. Bong Revilla at Ai-Ai delas Alas, naguguluhan at ‘di makapagbigay ng depinidong komento ang TV host/actress dahil wala pang pormal na sinasabi sa kanya si Ms. Malou Santos. Wala pang sitdown na pag-uusap na nangyayari, nabanggit lang ito sa kanya ng inang si Mommy Pinti, pero wala pa talagang pinal na pag-uusap na nangyari.

Sa isyu naman na ang hectic sked niya raw ang rason kung bakit nahirapan ang production na simulan ang shooting ng nasabing pelikula, ipinaliwanag naman na ang mga ginagawa niya ngayon gaya ng The Voice Philippines, ng pelikulang pagtatambalan nila ni Piolo ay mga trabahong nauna nang nakalinya na dapat niyang gawin.

Sa intriga naman na kaya dinagdag si Ai-Ai delas Alas dahil wala raw bilib sa bankability niya ang marami sa kabila ng marami na rin namang pelikula ang TV host/actress na  talaga namang kumita at pinilahan, para kay Toni ay wala siyang maibibigay na reaksyon dito, pero kung ito ang opinyon ng maraming tao ay nirerespeto niya ito.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

16 thoughts on “Toni Gonzaga, sinisisi sa naunsyaming MMFF entry ni Sen. Bong Revilla Jr.?!

  1. I love Toni Gonzaga. Ang galing galing at ang ganda ganda niya. Lakas ng sex appeal. Aabangan ko ang next movie niya. Nag produce ang boyfriend niyang si Direk Paul ng “Transit”. Ang dami na namang awards.

  2. Mukhang nabayaran si Melba ni Bong para i-divert ang issue palayo kay Bong. Si Bong kasi, may involvement sa 10 billion pork barrel na ginamit nila ng mga kasabwat niya instead of giving the funds to the farmers. Melba, how much did you get from the senator to do this article ?

  3. Kahit minsan di ko nagustuhan itong si Toni para sa akin sobra syang OA at piling sobrang galing> sobra ng makarate hay naku tama ka di maganda ang mata at minsan nasabi kong di tama ang mata ay sobrang galit sa akin ng nakarinig nagsasabi lang naman ako ng totoo na di ko alam minsan kung saan sya nakatingin….he he he…..

    • Eh anu nmn ang problema mo s mata nya eh ssya nga itong me katawan eh ni minsan s nya pinorobllema ang mata nya maayos ang buhay nya me work xa T me bf n love n love xa so ano nmn ang panama mo dun teh…? Get a lfe wag kng judgemental at mdgdiscriminate s kapwa mo ikaw to jn an dming kpintasan xau buti sna kung mabuti kng tao…

    • Titigan mo ang sarili mo sa salamin. Be honest. Maganda ka ba ? Lalu kang papangit dahil sa apdong apdo ka. Ang paiiiiiiit.

  4. Big earner pa rin ang movies nya, kaya interesado si Bong sa kanya, kung hindi kukunin ba sya ni Bong para makilaban sa movie nina Bossing at Tetay?

    Totoo ba syang maldita o sinisiraan lang? Wag basta maniwala kung walang video =p

    • Mabait si Toni. May bashers siya na ang idol nila napagiiwanan na kaya si Toni ang sinisisi. As for the movie with Bong, mukhang wise move kay Revilla ito dahil sa 10 billion pork barrel scam na nasangkot siya. Takot na baka walang manood dahil sa anomalyang kinasangkutan niya. Tama ka bigEarner. Lahat ng movies ni Toni, blockbusters. Pati TV shows niya, mataas sa ratings. Marami rin siyang fans na humahanga sa kanya. Kaya nga nanalo na Favorite female TV host ng Yahoo. Go Toni. Ignore these bashers na sa tingin ko, mangilan ngilan lang pero paulit ulit ang posts.

  5. Big earners pa rin ang movies nya, kaya interesado si Bong sa kanya, kung hindi kukunin ba sya ni Bong para makilaban sa movie nina Bossing at Tetay?

    Totoo ba syang maldita o sinisiraan lang? Wag basta maniwala kung walang video =p

  6. YAHAHAHAHHA TAPOS NA ANG KASIKATAN NIYA,,,,SUPER KAPALMUKS NA LANG SIYA,,,MAG ASAWA NA LANG SIYA……BUTI PA!   YAHAHAHAH

Leave a Reply

Your email address will not be published.