Toni Gonzaga, pinigilang maiyak nang makita ang kalagayan ni Vhong Navarro sa ospital

Toni-Gonzaga-Vhong-Navarro Toni-GonzagaSA PRESSCON ng Starting Over Again na mapapanood sa February 12, aminado si Toni Gonzaga na shock siya nu’ng makita niya sa mga litrato ang sinapit na pambubugbog ng kaibigang si Vhong Navarro. Pero nu’ng nakaharap niya ang kaibigan nang dumalaw siya rito  sa ospital, pinigilan niyang umiyak sa harap nito dahil ayaw niyang makadagdag sa mabigat na dinadala sa kalooban ni Vhong.

Niyakap ang kaibigan at sinabi ditong nami-miss na niya dahil matagal-tagal din silang ‘di nagkita, ‘di na nagkuwento pa ng detalye sa nangyari si Toni, dahil ayaw na niyang marinig  pa ang mga pinagdaraanan ng kaibigan.

Sa kabila ng ramdam niya na may mabigat na dinadala si Vhong, nagdyu-joke pa rin ito sa kanya, kung saan lumalabas pa rin ang pagiging likas na komedyante ng aktor.

Nang tanungin namin kung ano ang nararamdaman niya na balitang may death threats na natatanggap sa ngayon ang kaibigan, hindi alam ni Toni kung paano magre-react dito. Nalulungkot na malagay sa ganu’ng klase ng sitwasyon ang isang kaibigan at sa ganitong mga pagkakataon, ang tanging maibibigay lang ni Toni ay dasal at pampalakas-loob dito. Alam niya na napakakumplikado at maselan ang pinagdaraanan ng kaibigan.

Sa kabilang banda, masayang-masaya at dream come true para kay Toni na maidirek ni Direk Olivia Lamasan at makapareha sa isang pelikula ang matagal na niyang pinapangarap na makatrabaho na si Piolo Pascual.

Ayon nga kay Toni, marami siyang ginawa na first time niyang ginawa sa pelikula dahil alam naman niya na basta Inang Olive Lamasan ang gumawa, isa itong maganda at de-kalidad na pelikula.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

One thought on “Toni Gonzaga, pinigilang maiyak nang makita ang kalagayan ni Vhong Navarro sa ospital

  1. nakakaiyak naman talaga ang kundisyon ni vhong noh! Tapos yung talandeng deniece umiyak iyak pa sa tv, dyusko scripted ‘teh! wala kang mapapala sa mga ginagawa mong kagagahan kaya kung ako sayo magpakulong na kayo ni cedric lee, hahahahahahahaha!

Leave a Reply

Your email address will not be published.