Toni Gonzaga, ninerbiyos kina Piolo Pascual at Luis Manzano kaya ‘di nakatuluyan!

KAYA PALA IWAS nang iwas si Cristina Gonzales sa mga may ubo nang kausap namin siya noon sa Toki resto, eh, may sakit na ang panganay niyang si Sofia, 9 years old.

Sa totoo lang, ihiniwalay na ni Kring (palayaw niya) si Sofia sa nakababata nitong kapatid na si Diana, 6 years old, dahil baka mahawa pa. Sa Bethel International School na pinapasukan ng mga ito sa Tacloban, half of their classmates ay may lagnat na rin. Ayon pa sa kanya, baka nga raw i-close muna ang school for one week, dahil naalarma na ang parents ng mga bata.

Wala talagang kapata-patawad ang A(H1N1). Mapapobre man o mayaman, nape-penetrate. Tingnan mo nga si Regine Velasquez, nagamot na ng sarili ang tama sa kanya ng A(H1N1). Magaling na siya nang ma-examine na nagkaroon pala siya ng virus na iyon.

Siyanga pala, kahit inaalagaan ni Kring ang anak na may sakit, nakuha pa niyang asikasuhin ang mga commitments niya, hindi lamang bilang konsehal ng Tacloban, kundi ang pagiging ideal wife ni Tacloban Mayor Alfred Romualdez.

Inspired na inspired si Kring ng kanyang CLEP project. Cristina’s Learn and Earn Program ang kahulugan nito na nag-o-offer ng short courses sa cosmetology, haircuttng, reflexology, T-shirt printing, tailoring, dressmaking, fashion jewelry making, food processing, baking at kung anu-ano pa. Naso-solve na ang livelihood problems ng mga Taclobaños, hindi lamang sa kanilang lugar, kundi naipapadala pa nila sa iba’t ibang bansa.

UNTI-UNTI NA RING lumilitaw ang tunay na dahilan kung bakit hindi nag-prosper ang panliligaw noon ni Piolo Pascual kay Toni Gonzaga.

“Nai-star-struck si Toni kay Papa Piolo,” pagtatapat ng isang kapamilya ng dalaga. Every time magpapahiwatig ng kanyang damdamin ang Most Eligible Bachelor sa kanya, para siyang namamalikmata na hindi mawari. Akala niya lagi, ginagawa pa rin nila ang commercial para sa isang softdrinks kung saan sumigaw siya ng pagkalakas-lakas na “I LOVE YOU PIOLO!”

Sa loob nga raw ng isang buong taon, Piolo ang tawag ng mga tao kay Toni. Hindi siya nagkaroon ng sariling identity.

May bahid nga ng panghihinayang ang bawa’t sinasabi ng ating kausap.

Halos ganito rin ang nangyari nang ligawan ni Luis Manzano si Toni.

“At the back of Toni’s mind, naroon ang katotohanang anak ito ni Madam Vilma Santos. Tuwing yayayain siya ng binata na pasyalan nila ang Star For All Seasons, ‘yun inaatake na ito ng nerbiyos.

“Gusto lang naman ni Lus na maramdaman ni Toni ang pagpapahalaga nito sa kanya. Basta kasi ipinakikilala na ni Luis sa kanyang dakilang Mom ang isang babae, malinis at matapat ang intention niya. Hindi naman gusto ni Luis na kaliskisan ni Madam Vilma ang babaeng kinukursunada niya, kundi para matimbrehan ng mom niya na ito ang posibleng manugang niya.

“Hindi talaga nabigyan ng pagkakataon ni Toni ang tunay na Luis sa likod ng image ng kanyang mommy,” patuloy niya.

May panghihinayang ba si Toni sa kanyang mga dakilang suitors? Itinuturing ba niyang mas masuwerte ngayon sina KC Concepcion (apple of the eye n papa Piolo ngayon) at Angel Locsin (dyowa ni Luis)?

Coma at exclamation point ang sagot diyan!

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

11 thoughts on “Toni Gonzaga, ninerbiyos kina Piolo Pascual at Luis Manzano kaya ‘di nakatuluyan!

  1. ANG HABA NANG HAIR NIYA. PIOLO, LUIS, SAM, DIREK PAUL. PERO MAS MAHABA ANG HAIR NI EUGENE DOMINGO. KASALI SA LISTAHAN NIYA SI DINGDONG DANTES. GO TONI. CRUSH NANG BAYAN.

  2. Naman! Nanligaw ba talaga si Piola? At si Luis? Isa pa yang questionable ang gender. Binasted siya ni toni kasi naaamoy ni toni yung kalansaan niya. Si Angel naman kaya sinagot yan kasi, anak siya ni Vilma Santos. Period, walang comma!

  3. wala na ba mai chismis ky toni kaya pati issue noon hinuhukay? sa totoo lang wag nyo ng gawing macho si piola mag aala BB Gandanghari din yan in the future. puros chismis na nanliligaw pero jusko may nabalita na ba kayo naging gf? wala d ba? kasi bf ang gusto ni piola

  4. yeah, si piolo hangggang sa umpisa lang. he did the same with juday and angel, puro pakilig at pa showbiz lang.

  5. Sabay nanligaw sina SAM, PIOLO, AT LUIS noon kay Toni Gonzaga . Kaya lang kay Sam siya na develop at nagka Mutual Understanding, kaya NO CHOICE, atras iyong dalawa ! Basted nga !

  6. whatever bakla naman c piolo..kunyari nanliligaw sa mga leading lady nya but after the project wala na..

  7. LOVE YOU TONI G. ASAP, THANK YOU FOR GIVING HER MORE EXPOSURE. NAMISS NAMIN SIYA NANG NAG CONCERT ABROAD. GO TONI. PINOY BIG BROTHER WILL BE A BIG HIT. YOU CARRY THE SHOW SO WELL. LOVE YOU! ! ! MWAAAAAAAH!

  8. Past is past. Things happen for a reason. Toni is committed to a good guy, Director Paul Soriano. Talagang demure siya. Pati dating panliligaw ni Piolo, hindi niya ibinulgar. I saw Entertainment Live when Piolo admitted courting Toni at one time. Sabi niya, “Toni, aminin mo, medyo matagal rin ang ….” Perhaps a movie with Piolo? Star Cinema, how about it?

Leave a Reply

Your email address will not be published.