Toni Gonzaga, nasaktan sa pambibitin ni Robin Padilla!

KAHIT PINIPILIT NA magkabalikan sina Richard Gutierrez at Anne Curtis para sa promo ng kanilang pelikula, nagpakatotoo sila sa media. Inamin nilang mas okey sila ngayon as friends. Tapos na raw ‘yung kabanata sa buhay nila na minsan minahal nila ang isa’t isa. Pareho na silang naka-move-on at maligaya sa kani-kanilang relasyon.

After Richard, may non-showbiz guy pa na nakarelasyon si Anne bago si Luis Manzano. Sandali lang ang MU nila ni Lucky then, pumasok na sa eksena si Sam Milby. Almost a year ding pinag-usapan ang relationship nilang dalawa. Hindi ba’t naging malaking issue ang break-up nila dahil wala namang pag-amin na naging sila?

Happy ngayon si Anne sa bago niyang pag-ibig na si Erwani Heusaff, non-showbiz guy. Sa mga social gatherings at concerts ay palagi silang magkasama. Maging si Sam ay may non-showbiz girlfriend na rin na pilit na itinatago sa media. Palaging umiiwas ang aktor tuwing napag-uusapan ang bagong mystery girl in his life.

Nang matapos ang love relationship nina Richard at Anne, naka-relasyon naman ng aktor ang commercial/ramp model na si Georgina Wilson (bestfriend ni Anne). Maraming controversial issue ang kinasangkutan ng aktor in the name of love. That time, very much in love si Chard sa dalaga kaya nasangkot ito sa gulo dahil sa selos.

Ngayon naman dyowa ni Georgina si Borgy Monotoc. Palaging magkasama sa mga gimikan at sa concert ni Usher sa MOA. Iwas-pusoy pa nga ang dalawa nang matapos ang show. Marami kasing press photographer na nakaabang na gusto silang kunan.

Open secret naman ang love affair nina Richard at Jewel Mische. Tuwing may biyahe sa US ang aktor, palaging kasama ang young actress. Kahit hindi natin sila nakikitang magkasama sa mga showbiz gathering, palagi namang bumibisita ang aktor sa kanyang pad. Kung minsan pa nga raw du’n na natutulog ang guwapong aktor.

Balitang tanggap na nga ng pamilya Gutierrez si Jewel. Bukod daw sa mahusay itong makisama, napakabait pa nito. Never itong gumawa ng eksena or nagpa-interview tungkol sa kanila ni Chard. Kahit nga may mga babaeng inili-link sa kanyang dyowa, dedma lang ito. Kiber, kahit hindi umusad ang kanyang showbiz career, basta winner siya sa puso ni Chard.

Ang importante magkasundo sina Richard at Jewel sa maraming bagay, walang pagkukunwari at tunay silang nagmamahalan.Walang kontrabida sa kanilang love affair. Hindi na dapat ipagsigawan pa kung gaano kalalim ang relationship mayroon sila ngayon.

Nakatutuwang isipin, magkakakilala, magkakaibigan, nagpalipat-lipat, nagpapalit-palit sa tawag ng pag-ibig! ‘Yun lang.

INIINTRIGA NGAYON SI Robin Padilla dahil sa binitawan niyang salita na kailangan single ang magiging leading lady niya. Sa issue na ito nag-react si Toni Gonzaga. Hindi na kasi matutuloy ang pelikulang dapat sana’y pagsasamahan nilang dalawa under Star Cinema.

“Sinabi niya talaga, totoo nga! Alam naman nating lahat before we even started the film. It was mentioned to him, he was okey about it and then biglang nag-reason ng ganu’n so, we have to accept that…” diretsong sabi ni Toni.

Of course, kahit papaano nasaktan si Toni sa naging pahayag ni Robin. “Honestly, if you look at the bigger picture, hindi ko kailangang magtampo. Pero kung magpapaka-selfish ako, bakit ganoon? Siyempre, magtatampo ako pero I’ll try to look at it in a bigger picture so, baka it’s really not meant to be,” paliwanag ng singer-comedienne.

Bulung-bulungan ngayon na malamang daw na si Mariel Rodriguez ang ipapalit kay Toni. ‘Yun daw ang pakiusap ni Robin sa Star Cinema. Kung sakaling totoo ang tsika, malaki ang maitutulong nito sa kanilang pelikula. Lalong mapag-uusapan ang kanilang tunay na relasyon.

Kahit naudlot ang tambalan nina Toni at Robin, gusto pa rin kaya ng magaling na TV host na makatrabaho ang action star in the near future? “Kapag single na siya! Ha-ha-ha!” Natatawa pero may laman ang katagang binitiwan niya. Ayaw na ring mag-comment ni Toni tungkol sa issue na diumano nakiki-pag-live na raw si Mariel kay Binoe.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

15 thoughts on “Toni Gonzaga, nasaktan sa pambibitin ni Robin Padilla!

  1. WWHATTT!! BABALIK SI YABANg???@#$%^&*@#!!!!!?????!
    Beware ABS CBN, isang Certified Jinx si Willie, like si Villar, Roxas, kahit si Rico Puno natalo sa eleksiyon dahil sa kanya, in millions talent fee ni Yabang sa mga taong to, and who can forget Stampede Tragedy, etc. etc….
    79,500 petisyoner na galit kay Willie Revillame, ang counting high: http://www.petitiononline.com/mod_perl/signed.cgi?badwilly

  2. Eversince I never idolized that pervert Robin Padilla! Nagwalk out noon si Dawn Zulueta sa shooting dahil minanyak ni Robin sa kissing scene, inilabas ang dila. Yucky!

  3. Tama. . .gusto ni Vic at Bong na makatrabaho si Toni. Lahat nang pelikula ni Toni ay blockbusters at patok sa takilya. Robin is hungry for publicity. Medyo nalalaos na kasi bago nag temporary host nang Wowowee. Ang laging nakabilad niyang dibdib ay nakakasuka na. Bakit kailangan pa niyang iladlad. Mabuti pa ang mga bagets tulad nina Gerald, Jake, John Lloyd , Sam at Luis. Maski pakitahan tayo nang abs o dibdib, nakakawili at hindi ka masusuka. Pangit palang tignan kung nagmumurang kamatis. Bagay na bagay ang mga gutom sa promo na si Ka Robin at Aling Mariel. Good luck sa panggagamit nila sa isa’t isa. WHAT A BUNCH OF USERS. . . .

  4. People HATE ROBIN PADILLA for being bastos to a young, beautiful, and talented lady. Napagbigyan lang mag host sa Wowowee , BIGLANG LUMAKI NA ANG ULO . Gurang na siya at wala siyang karapatan mag-laro ng mga batang female stars like Toni Gonzaga ! What a WASTE OF PRECIOUS TIME FOR TONI GONZAGA !

  5. Robin Padilla and mariel, takaw sa publicity. Tanda na ni Robin. MAY TELL ALL MAGAZINE PA SI KA BINOE NANG MGA NAGING GIRLFRIENDS NIYA. TALAGANG DESPERADO NA.

  6. MASAMA ANG UGALI NIYAN NI TONI SA MGA FANS AT REPORTER K LANG SI MARIAN MAGMALDITA KASE MAGANDA PERO SI TONI SWANGET

    • d nman, kung papi2liin nga me between toni and marian mas pipiliin q c toni… sa pgda2la p lng ng dmit at srili tlo n c marian! eh wat f pguuspan pa ang briding TALONG TALO c marian dun… as in olats!

  7. PANGET MO NAMAN TONI HINDI KA NGA MUKHANG ARTISTA MUKHA KANG ALALAY NILA BEA ANGEL AT ANNE HUWAG KA NG PA IMPORTANTE BUTI KUNG MUKHA MO MALA DIOSA E MUKHA KANG TSIMAY NA DULENG

  8. hindi talaga real GENTLEMAN yang si robin,isipin mo gusto lang niyang makatrabaho SINGLE! eh alam mo na ang reason kung bakit.dahi may AGENDA siya sa mga babaeng makakapareha niya. nakakasuka!

    bagay nga sila ni mariel,si mariel malandi,at at unprofessional playboy mangagamit para bumango ulit ang pangalan na si robin padilla,balik na lang siya ng siyete bagay siya doon.

    malanding mariel!

  9. Wala nang K si Ka Robin. Buti at hindi natuloy. Parang ang kasikatan niya sa Wowowee naglahong parang bula. Bagay kay Toni, mas bata. Maraming naging movies si Toni na blockbuster. Malaking pagkakamali ang ginawa ni Ka Robin. So unprofessional and very ungentleman. Bagay sila ni Mariel.
    Parehong publicity hungry. . .

  10. I just hope that ABS would allow Toni to work with Vic Sotto and Bong Revilla who apparently wants to work with her or better yet to Piolo. Toni deserves someone BETTER than Robin! He is so unprofessional, he just wasted Toni’s time.

  11. Mabuti na at hindi na lang matuloy ang movie ni Toni at Robin. VERY UNPROFESSIONAL si Robin ! Sana hindi na lang niya itinuloy noon pa daill INAKSAYA na lang niya ang panahon ni Toni. Ang dami daming mas batang leading man na sana ay nakatrabaho ni Toni noon pa. What a waste of TINE ! With that “stupid” answer of Robin regarding the issue, ipinakita niya talaga na HE IS NOT A TRUE GENTLEMAN ! Good riddance, Mr. Bad Boy !

Leave a Reply

Your email address will not be published.