Toni Gonzaga, napapahamak dahil sa kapatid na si Alex?!

MARIING ITINANGGI NI Gerald Anderson na nagpatiwakal si Kim Chiu sanhi nang matinding problema sa kanilang relasyon. Ayon sa aktor, walang katotohanan ang mga naglabasang balita dahil una at higit sa lahat, never daw nagtangkang magpakamatay ang aktres.

Nilinaw rin ni Gerald na walang katotohanang may relasyon na sila ngayon ni Bea Alonzo na siyang dahilan kung bakit lately ay problemado si Kim Chiu. “Kahit na kaninong babae, gagawin ko rin ‘yung ginawa ko kay Bea, ang alalayan siya.” Ito ay dahil feeling daw ni Gerald na nahihirapan si Bea sa suot nitong gown sa nakaraang Star Magic na siyang pinagpipiyestahan ngayong pag-usapan. “Hindi totoong iniwan ko si Kim dahil kay Bea,” sabi pa ng aktor na kampante sa pagsasabing walang silang relasyon ni Bea at wala rin silang problema ni Kim.

Sa kabilang banda, tikom pa rin ang bibig ni Kim sa isyung nagtangka siyang magpatiwakal. Ayon sa isang taong malapit sa dalaga, magsasalita na lang ito sa tamang panahon. “Naku, magsasalita at magde-deny ‘yan ‘pag may ipo-promote nang movie. Kasi sayang nga naman ang isyu kung lilinawin niya nang walang kapalit na publicities, ‘no!” mataray na sabi ng aming source.

NAIINTINDIHAN NAMIN SI Angelica Jones. Pagod at puyat dahil sa tree planting program nila ni Governor ER Ejercito idagdag pa ang sarili nitong Libreng Gupit at Feeding para sa mga kababayan niya sa Nagcarlan na siyang dahilan kung bakit nairita at nag-walk-out ito sa aming interbyu nang dalawin namin siya Laguna kamakailan.

Noong una, masayang sinasagot ni Angelica ang mga tanong namin tungkol sa kanyang pagiging politician, lalo na ang mga ginagawa niyang programa para sa kanyang kababayan. Pero nagbago ang masaya niyang mukha nang itanong na namin sa kanya ang tungkol sa diumano, isa siyang ilusyunada.

Ilusyunada, oo! Kasi noon, napabalitang may manliligaw siyang isang prinsipe na taga-ibang bansa na later on, wala namang pruwebang nakita. Sumunod naman, du’n sa sinasabi niyang adopted daughter siya ng Sultan at ng mga Datu na siyang tumutulong ngayon sa kanya sa kanyang mga programa.

Ang tanong namin ay ganito: “Paano kung isipin ng mga tao na nag-iilusyon ka lang… ano ang masasabi mo?” Na sinagot niya nang ganito: “Bahala na sila, basta ako nagsasabi lang ng totoo,” na sinundan namin ng ganito: “Paano kung bansagan kang ‘Ilusyunada Queen’?” na siyang ikinairita na ng dalaga na amin namang nauunawaan.

Matapos magalit at mag-walk-out, nilapitan namin si Angelica dahil dama namin na nasagasaan namin talaga ang pride ng actres. Oo nga naman, isa siyang politician ngayon na may pinoproteksiyunan. Pero isang bagay lang ang hanggang ngayon ay naglalaro sa aming isipan: Hindi naman siguro ganu’n kapersonal ang aming katanungan para maapektuhan siya nang ganu’n na lang. But in fairness kay Angelica, paalis na lang kami ay hinabol pa kami ng kanyang secretary na alam namin kung ano ang gustong mangyari ng aktres, na amin na lang pinasalamatan.

Nag-walk-out man si Angelica sa amin, nais pa rin namin siyang pasalamatan at hangaan. Hindi siya tulad ng ibang kapag napikon ay nambabastos at nagsasalita ng masakit sa reporter. I love you pa rin Angelika, at babu!

MUKHANG NAPAPAHAMAK NGAYON si Toni Gonzaga dahil sa katabilan ni Alex Gonzaga. Ayon sa nakarating sa aming balita, kay Alex daw nanggagaling ang mga impormasyong galit si Toni kay Mariel Rodriguez. “‘Yung mga usapan kasi nilang mag-ate, nakalalabas kay Alex,” kuwento iyon ng aming source na nagsabi pa rin na kapag hindi iniwasan ni Alex ang sobrang katabilan, malamang makasira siya sa magandang image ng kanyang ate.

But in fairness kay Alex, matagal din namin siyang nakasama sa Juicy, pero hindi naman siya ‘yung mega daldalera na gustong palabasin ng iba. Totoong matsikang tao si Alex, pero hindi siya ‘yung klase na kuwento nang kuwento kung kani-kanino. Nagkakataon lang sigurong maling “tao” ‘yung napagkukuwentuhan niya lately, kaya may mga lumalabas na kuwentong hindi naman pampubliko.

Payo lang kay Alex, dapat siyang maging maingat sa pagsasalita, dahil hindi na siya ngayon ordinaryong bata na puwedeng ipagkibit-balikat lang ang lahat ng kanyang mga sinasabi. Dapat tandaan ni Alex, hindi lahat ng mga taong nasa kanyang paligid ay kaibigan.

Tsuk!

More Luck
by Morly Alinio

loading...

12 thoughts on “Toni Gonzaga, napapahamak dahil sa kapatid na si Alex?!

  1. Kulitkulit

    -Correction lang, sina Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga ay parehong nakapagtapos ng College.

    Mariel Rodriguez – Bachelor’s Degree of Arts in Organizational Communication at nakapagtapos siya sa De La Salle University.

    Toni Gonzaga – AB Engish and Mass Communication po ang tinapos ni Toni.

    Nakapagtapos po ang dalawang yan at maraming artista ang nakapagtapos ng kolehiyo, wag magbigay ng komento lalo na kung di totoo.

  2. Si Mariel gumawa ng sarili nyang multo. happy kay Robin (sa ngayon) pwes hintayin na lang nya yung mga susunod pang pakakasalan ni Robin kasi hindi naman sya special para maging only wife ni Robin, virgin ka pa ba MAriel????

  3. Si Mariel, finesse..nasa cloud nine lang iyan ngayon dahil kay Binoe, at malamang for now, as in for now na nasa happy stage pa sila ni Binoe, eh sinasabihan siya ni Binoe to keep it quiet na lang. Pero malamang nagsasalit na iyan kung kani-kanino..hindi makakatiis iyan si Mariel…may sinasabihan na iyan for sure at tumitira na iyan ng palihim..she’s known for that :)

  4. Ok lang na nagsalita si Toni..napuno na siguro. Saka yung pagsabi niya is a “matter of fact” naman eh. Straight face at walang kaartehan. Kay Alex, siguro kaya niya nabanggit iyon, dahil pikon na rin kay Mariel at gusto niyang maglabas ng inis din. Normal naman sa kapatid iyon, na kapag feeling mo agrabyado na ang kapatid mo..maglalabas ka rin ng sama ng loob at galit para sa kapatid mo…nagkataon nga lang, yung pinagkwentuhan niya..mala Mariel din pala ang ugali..hahah!

  5. Si Toni Gonzaga bumaba ang kategorya ngayon, palengkera na. Dapat di siya nag-expose ng private differences niya sa isang tao. Ang dapat eh hindi na lang siya kumibo. Me pinag-aralan pa naman siya. Bumaba siyang masyado sa level ng mga walang pinag-aralan and palengkera noong nagsalita siya ng away nila ni Mariel. Look at Mariel, hinahayaan niyang mag-subside ang lahat, me finesse and pinag-aralan, si Toni, ke baba ng pagkatao.

    • Sige na nga Mariel. Ipagtanggol mo ang sarili mo. Lagot ka rin kay KC, Anne Curtis, Christine REyes, Angelica Panganiban, Luis Manzano, Billy Crawford, Claudine, Willie, at lalung lalo na sa Queen of talk na si Kris Aquino, Marami kang sinagasaan. Hindi na kasali ang mga kasama mo sa PBB na ininsulto mo rin. Huwag kang pakikita kay Vice Ganda. Galit iyan sa iyo. Baka ka niya sabunutan.

    • actually pareho lang sila na high school ang tinapos, at si mariel nakapagcollege pero huminto.

      … although mas mataas ang IQ ni toni.

    • hello! Mariel ikaw ba yan, sabagay wala namang nagtatanggol sa yo kaya gawa ng username para ipagtanggol ang sarili.

Leave a Reply

Your email address will not be published.