Toni Gonzaga, ‘nananahimik’ ang career?!

‘PAG NAPAPASARAP ng kwento sa harap ng maraming press si Coco Martin ay hindi niya namamalayan na nadadalas din siya ng dayalog ng, “Sabi ko nga.”
Biniro ko tuloy ang manager niyang si Mareng Biboy Arboleda sa presscon ng Juan dela Cruz na, “Mare, naka-88 na si Coco sa kasasabi ng, ‘Sabi ko nga.’
“Mare, pwede ko na bang itanong sa kanya kung kanino niya talaga sinabi?”

Nag-aapiran na lang kami ni Biboy.  But ser-iously, super happy kami sa kumpare naming si Coco dahil ang layo na talaga ng kanyang narating.
Sa February 4 na ang Juan dela Cruz pagkatapos ng TV Patrol.

AND SPEAKING of TV Patrol, meron lang kaming suggestion. Sana, bago mag-wind up or bago magpaalam ang mga news presenter na sina Kabayan Noli de Castro, Korina Sanchez at Ted Failon, kung wala rin lang wawa ang mga opinyon nila eh, paalam na sila agad para hindi nade-delay ‘yung mga susunod na teleserye.
Pero kung bahagi na ng programa ang pagbibigay nila ng opinion sa huli ay wala rin namang problema.
Sana lang, kikintal sa isipan ng mga manonood ang iiwanan nilang opinyon.
Suggestion lang naman. Pero kung mali kami sa opinyon namin eh, pasensiya na.

ANO NA ba’ng nangyari kay Toni Gonzaga? Parang “nananahimik” ang kanyang career.
Choice niya bang manahimik at makuntento na lamang sa ASAP 18 at The Buzz o wala lang talagang dumarating pang show na babagay sa kanya?
Ba’t kaya hindi na lang muna siya umarte sa teleserye para hindi siya makalimutan at hindi ‘yung every Sunday lang siya napapanood?
O, choice lang talaga ni Toni na mag-mellow?
Ayaw naman naming isiping pinaghahandaan na niya ang paglagay sa tahimik dahil siya ay ____ na?
Si Luis Manzano, merong everyday Minute to Win it, meron pang Kapamilya Deal Or No Deal at meron pang  darating na season ng Pilipinas Got Talent.
Si Toni kaya, kelan?

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

31 thoughts on “Toni Gonzaga, ‘nananahimik’ ang career?!

  1. muntanga lng ng kumento ng iba d2. bakit kayo ba may mga trabaho?atleast gano man kaliit ang papel sa mga serye ay meron namang bayad sa kanya un. matagal na sana natigok ang karir ni ogie kung talagang sa SIR lang sya umaasa hendevah?! may show sya sa radyo, may mga sinusulatan syang mga dyaryo at haller??bakit mga shows lng ba sa tv ang may karir??lalabas sya sa may isang pangarap. si ogie galit daw kay kris at vice?eh bakit magkatweet sila lagi?haha patawa un chong hendevah? LOLOLOL

  2. At tungkol sa TV Patrol, siguro masagwa lng un choice of word ni Ogie na walang wawa ang opinyon nun 3 kung minsan.. Sa gaya ko na everynight nanonood ng TV PATROL- minsan un chikahan nila inaabot ng 10mins kaya nadedelay ung mga teleseryes na kasunod. At di po lahat ng opinyon nila ay CHECK. Nalimutan nyo ba kung gaano sinupalpal ni PNoy si Kabayan noong anniv ng TV Patrol? Yun ay dahil sa ilang komento ni Kabayan bago mgbabush. Minsan kasi wala silang preno o busina sa pagkomento.

  3. Sa unang pagbasa, NEGA ang dating neto. Pero pag BINASA NYO ULI dun nyo makikita ang point ni Ogie–
    Nagtatanong sya kung sadya ba ni Toni ang pag-lie low or hindi pa lang lumalabas ang naka line up na shows niya. Sows, showbiz writer yan na nang-iintriga lng. Pero di naman talaga nega eh. Un point na napansin nyang once a week lng si toni means namimiss din nya siguro un everyday na shows ni toni. Open minded lng sana kayo para makita nyo ang point. Nega kasi kayo agad.

  4. Looks like Ogie needs a new trade. Maghanap ka ng ibang source of income Ogie. Pag wala na ang Showbiz I Report, wala ka na rin.

  5. Ogie, sobra naman ang paginsulto mo kay Korina, Noli at Ted. Patunayan mo munang mas magaling ka sa kanila bago ka mang husga. Ang as far as Toni is concerned, wala ka na bang maisulat ? I-exercise mo kasi ang brains mo. Mukhang manipis na. Napapanood kita sa SIR and I think atat na atat kang ilabas ang baho ng iba. While your co-hosts are very discreet in their comments, ikaw naman ay puno ng pasaring. Malapit ka ng malaos. Magbago ka na.

  6. Para mo na rin sinabing walang opinion si Korina, Kabayan at Ted. Ano ba ang akala mo, na mas magaling ka pa sa kanila ? Bakit ka hindi news reporter at broadcaster ng current affairs ? Si Boy Abunda, at least nakuha sa Bandila. Inggit ka lang siguro. You sound bitter today Ogie. Ano ang nangyari sa iyo ? Huwag kang makakasiguro sa SIR talk show ninyo dahil mababa ang rating. Baka biglang mawala ito. Ikaw tuloy ang mawawalan ng trabaho ng tuluyan.

  7. Ogie seems to be running out of topics to publish. Toni can stir the pot whenever her name is mentionbed. Looks like Ogie needs publicity himself dahil medyo laos na rin. I don’t understand what his role is in Walang Hanggan, Parang ginawang background decoration lang. Wala namang masyadong dialog. Kailangan lang siguro ng pera. Charity case tuloy ang labas.

    • Pero kung titignan mo mas magaling pa talaga so Ogie kaysa kay Toni na puro ka OA Yan SIPSIP at walang mga SENSE ang pinag sasabi…

  8. Kaibigan kasi ni Kris at Vice si Toni na parehong galit si Ogie. Ayan tuloy, pati si Toni, idinadamay. Napagiwanan kasi si Ogie ng gracia sa malaking kinita ng This Guy’s in Love with You Mare at Sisterakas na dati ay si Ogie ang manager ni Vice.

  9. Pahinga muna. Katatapos lang ng blockbuster movie niya at siya ang magiging host ng The Voice. May ASAP, The Buzz at PBB pa siya. I like her. Marami pang naka linya para sa kanya.

  10. tama lang yan manahimik muna karir nya… kaya sya nagkandaduleng duleng dahil sa dami nyang trabaho nun…pagpahingahin muna baka sakali mawala pagkaduleng

  11. tahimik ang career dahil laos. Paano ba naging screen star yan si Toni eh mukhang namang beerhouse dancer ang beauty?

    • Kaya pala ang daming nagkaka crush sa crush ng bayan. Gaya ng sabi ni Charlene sa The Buzz, ang daming nagtatanong tungkol kay Toni kung may boyfriend na. Puro mga good catch pa ang nanliligaw sa kanya.

  12. Okay na yung once a week shows na ASAP at The Buzz at nakikita rin naman siya sa commercials. Kesa naman nung dati na everyday, every night nakatambad sa tv screens yung mukha niya gawa ng PBB, Happy Yipee Yehey tapos meron pang ASAP at The Buzz. Ano ba gusto mo Ogie sa kanya, mag-kayod marino para lang masabi na may nangyayari sa career niya? O dahil salat ka lang sa articles for today kaya kahit ano may maisulat ka lang. Pansin ko ang iiksi ng articles mo ngayon. Toink.

  13. mahirapan lng c toni pag nagstart na2man PBB,e bak-2-back-2-back p nman season nun, okay lng n nakabakasyon muna cya. ka2tapos lng dn nman ng movie pero sana mag-TV series nga uli cya.

  14. MAGALING UMARTE SI TONI. MERON SYANG TINATAWAG NA COMIC TIMING. NAKITA KO NA RIN SYANG MAGDRAMA AT MAY IBUBUGA SYA. KAYA LANG, MAY EDAD NA RIN SYA. KAILANGAN NYA NANG GUMAWA NG MGA MOVIES NA MAY OFFBEAT ROLES. IPAUBAYA NA SA KAPATID NYA AT MGA BATA-BATA PANG STARS ANG PAGPAPACUTE

Leave a Reply

Your email address will not be published.