Toni Gonzaga, naghihintay pa ng blessing ni Lord bago pakasal

Toni-GonzagaSANGKATUTAK ANG kumakantiyaw ngayon kay Toni Gonzaga, dahil naunahan pa siya ng best friend na si Bianca Gonzalez na maging engaged samantalang siya talaga ang noon pa tinatanong kung kailan pakakasal sa long time boyfriend na si Direk Paul Soriano.

Kamakailan kasi ay nag-propose na ang boyfriend ni Bianca na si JC Intal na nagkaroon pa ng kaunting intriga dahil wala raw diumano itong alam na ipalalabas sa GMA news ang ginawa ng sikat na PBA basketball player nang mag-propose na naganap sa international airport.

Anyway, kung hindi kami nagkakamali, this year na magaganap ang wedding. Naunahan na talaga ni Bianca ang kaibigang si Toni. Pero say naman ni Toni, masaya siya for Bianca. At hindi naman daw siya nape-pressure na kailangang magpakasal na rin sila ni Paul. Ayon sa sikat na TV host/actress, naghihintay pa raw siya ng blessing ni Lord bago pakasal. Basta excited daw siya sa kasal ng matalik na kaibigan.

“Kahit wala akong participation, kahit mag-attend lang ako, sabi ko kay Bianca gustung-gusto ko lang makita na pagbukas ng door ay naka-gown siya na puti. Baka maiyak ako talaga,” sabi ni Toni sa panayam sa kanya ng ABS-CBN news.

Samantalang itinanggi ni Toni ang naglabasan na nag-propose na rin raw sa kanya ng kasal si Direk Paul. Wala pa raw nagaganap na proposal sa boyfriend. Hindi naman daw niya itatago sa lahat, lalo na sa mga kaibigan sa showbiz kapag nag-propose ng kasal ang boyfriend.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.