Toni Gonzaga, naghihintay lang ng proposal para magpakasal?!

FIRST TIME MAG-GUEST ni Joey de Leon sa The Buzz nitong nakaraang Sunday. At nakita namin kung paano naging emotional at naiyak pa si Toni nang magkaharap sila. Its’ been several years na hindi sila nagkita since the time na umalis ang actrees-TV host sa Eat Bulaga at lumipat sa ABS-CBN.

“Emotional ako kasi… hindi ko naman akalain na darating ang araw na mai-interview ko siya, eH. At magkakasama ulit kami sa iisang entablado.”

Nagkaroon ng isyu dati na nagalit si Joey de Leon sa paglipat niya sa Dos. At iniyakan nga raw ni Toni ang tungkol dito.

“Pero sinabi naman sa akin ni Ate Ruby (Rodriguez) na… ‘hindi naman talaga galit sa ‘yo si Tito Joey, inaasar ka lang no’n’. Na siyempre raw, sa loob-loob ni Tito Joey, masaya siya na malayo pa ang puwede kong marating. Na nangyari naman. Nakarating ako rito sa Mother Ignacia!” natawang biro ni Toni na ang tinutukoy, ang lugar kung nasaan ang ABS-CBN compound.

Kung sa bagay, nasabi rin nga ni Joey na kung hindi umalis si Toni sa Eat Bulaga para lumipat sa Kapamilya Network, baka wala siya sa kanyang estado ngayon bilang si Toni Gonzaga.

“Baka raw EB Babes ako… sabe! Ha-ha-ha! Eh, totoo naman talaga ‘yon. ‘Di ba sometimes you have to take risk in life para malaman mo kung hanggang saan ‘yong kaya mong abutin? So, iyon din lang naman ang ginawa ko. And… gaya nga ng sinabi ni Tito Joey, sila rin naman, nanggaling din sila doon sa mga risks na tinake nila from different channels. From Channel 9… Channel 2… Channel 7. I think I’ve learned also so much from him.”

Marami nang nag-lilipatang artista from the Kapuso and Kapamilya Network going to TV5. Paano kung magkaroon din ng tempting offer sa kanya ang Kapatid Network?

“Alam mo, isa lang ang natutunan ko dito sa industriyang ito… na hindi mo maipapangako ang lo-yalty mo sa kahit na anong istasyon at kahit anong programa. Ang loyalty ko ay nasa pamilya ko. Kasi at the end of the day, showbiz industry… these will all come and go. ‘Yung kasikatan o ‘yung karangyaan. Pero ang maiiwan sa lahat, ‘yong pamilya mo. Kaya kung saan masaya ang pamilya ko, kung saan nila gusto para sa akin, du’n ako.”

Honestly, may paramdam ba sa kanya coming from TV5?

“Ayoko nang sabihin ‘yon. Hayaan na lang natin. Oo. Sa ngayon, ang alam ko magri-renew ako sa ABS (dahil patapos na rin ang kanyang kontrata). So walang problema sa akin ngayon. I’m happy where I am right now. And I feel really blessed.

Bongga pa rin ang lovelife niya. Kailan ang kasal nila ni Direk Paul Soriano? In two… three years time?

“Ah, hindi ko pa alam. Kasi laging kong sinasabi dati… in two or three years. Actually na-realize ko, I’m 27. Pero ayoko namang magpadala do’n sa pressure na it’s about time.”

Paano kung mag-propose na sa kanya si Direk Paul?

“Ay, eh ‘di, go!” sabay hawi ni Toni ng bandang likuran ng kanyang buhok. “Naku… go! Go agad! Ha-ha-ha! Agad-agad!  Ang dami pang arte, go rin naman pala! Ha-ha-ha!”

Aware ba siya na laging kinakantiyawan lately si Alex ng mga ka-close nito dahil sa nasabing rebelasyon na nahilig daw nga si Alex sa panonood ng x-rated films kasama ang ilang kaibigan no’ng high school days nito?

“Aba!” Nanlaki ang mga mata ni Toni na hindi pala alam ang tungkol do’n. “Luku-lukong Alex ‘yan, kung anu-ano ang pinagsasasabi!” sabay tawa niya. Hindi ko alam ‘yon. Eh, siguro lahat naman ng teenager… kasi mga bata… lahat naman siguro dumaan sa ganyang stage. Ang kalokohan lang niya eh, sinabi niya sa tao. Ha-ha-ha! Puwede namang hindi na sabihin, eh… sinasabi pa ang mga gano’n. Luka-luka talaga!” birong sabi pa ni Toni.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

5 thoughts on “Toni Gonzaga, naghihintay lang ng proposal para magpakasal?!

  1. @shebie, parang may laman ang mga sinasabi mo, bakit bakla ba si Direk Paul? Baka maging KC-Piolo na naman ang mangyayari sa kanila ni Direk Paul at Toni. Hindi ko alam na bakla pala si Direk Paul. Bakit ba karamihan ng mga bakla ay mga guapo???? Si Rustom din, guapo din yon noon before naging BB Gandanghari.

  2. SI DIREK PAUL MUKHANG MAY SAKIT SA GULUGOD, SI TONI NAMAN EH PARANG COMPASS NGA ANG MATA…….NAKU HINDI MAGANDANG TANDEM AT ISA PA MAY POSSIBILITY NA MAG-AWAY SILA KUNG SINO ANG MAGSUSUOT NG TRAJE DE BODA……………….HAHAHAHAHAHA…………..ITIGIL ANG KASAL!!!!!!!!!!!!!!

  3. WEdding bells, wedding bells, WEDDING HINDE, WEdding pwedi! If ever na matuloy ang kasal nina Toni at Paul, at mabiyayaan ng ANAK or mga anak, I am sure, magiging focus ng feature ng face ng bata ang mga EYES. imagine, malamlam ang mga mata ni direk paul, si toni naman medyo EWAN na parang west and east ang direction ng tingin all at the SAME time. i am sure, swak na SWAK kung tatawaging PATO ang first born nila, pato from PAul and TOni, combined to form one single unique individual name, hence PATO! pato, pato, pato, patok na patok na name-sung ng first born nina PAul at TOni!

  4. Hugo, mukhang pare pareho ang mga sinasabi mo , maski sinong artista. Limited ba ang kaalaman mo? Small brains, small ______.

  5. Toni and Paul wedding? Please. Maybe Tony and Paul, hhohohohohohohoho. And if ever Toni’s wish come true of being wed to Paul, then, matuto ka ng mag adjust. ‘Teh, baka mamya nahihiram na siya ng mascara mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.