Toni Gonzaga, hiyang-hiya kay Piolo Pascual kaya ‘di nagkaroon ng relasyon

Toni-GonzagaAMINADO SI Piolo Pascual na once silang nag-date ni Toni Gonzaga pero nothing romantic materialized.

“Nahiya ako kay PJ no’n, eh. Hiyang-hiya talaga ako. Hindi ko inisip ‘yon. Dadaan pa ‘yan sa “PBB dati, mga ganoon, sa “ASAP”. Ano ba ‘to, nakakahiya itong nangyayaring ito. Para kasing inilagay ko si PJ (sa pedestal),” sabi ni Toni sa presscon ng Starting Over Again.

Aminado naman siyang dahil kay Piolo ay sumikat siya sa commercial.

“Nu’ng nagsisimula pa lang ako sa pag-aartista, for one year kasi ang pangalan ko ay ‘I love you, Piolo’. Naging screen name ko ‘yon, tinanggap ko ‘yun. ‘Pag pupunta ako sa mall, ‘uy si I love you Piolo. Tinanggap ko ‘yon. Ako po si ‘I love you Piolo. Hindi nila alam ang pangalan ko, ang tawag nila sa akin ay ‘I love you Piolo’. Nu’ng time na nagsisimula ako hanggang sa nagbukas ng maraming opportunities ‘yung commercial na ginawa naming ay inilagay ko na si PJ sa pedestal na parang ‘ay, siya ‘yung parang dream man ng lahat,” she said.

“Nu’ng nakatrabaho ko na siya parang hindi mo maisip na… ano ba naman itong si PJ. Parang hindi ko maisip talaga (na makakatrabaho ko siya),” she added.

 

AFTER ARNOLD Clavio and Jessica Soho, si Sandra Aguinaldo ang sumunod na binatikos matapos ang sinasabing misleading report niya recently.

Ayon sa isang website na aming nabasa, nagreklamo si Atty. Alnie G. Foja who was Sandra’s resource person for RAPE 101. Naloka daw si Atty. Alnie nang ma-quote siya sa 24 Oras habang pinapakita ang footage ni Deniece Cornejo. Parang it was made to appear na Gabriela, isang organization na affiliated siya, is “supporting” Deniece.

Nag-issue ng statement si Atty. Alnie which read : “GABRIELA and GABRIELA WOMEN’S PARTY did not issue any statement in support of Deniece Cornejo. Last Wednesday, GMA7’s Sandra Aguinaldo, interviewed me on RAPE 101. In that interview, I NEVER stated nor was I asked about Gabriela’s support for Deniece. I was made to understand that Sandra was to do a public information segment about rape in general. That GMA7 allowed the publication of an online article stating that Gabriela expresses support for Deniece based on Sandra Aguinaldo’s interview of me on RAPE 101 and that 24 Oras quoted my statement while showing footages of Deniece is DELIBERATELY MISLEADING and MALICIOUS.”

“I am demanding an explanation and an apology from GMA7 for this.”

Burado na ang article sa GMA News Online titled ‘Gabriela Women’s Party expresses support for Cornejo’.

Ano kaya ang gagawing PR effort ni Angel Javier sa kapalpakang ito ni Sandra? Naku, tila nagkakalat ang taga-news department ng Siete, huh!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

2 thoughts on “Toni Gonzaga, hiyang-hiya kay Piolo Pascual kaya ‘di nagkaroon ng relasyon

  1. nyayayaya harmless yang si Papa P..kahit tanungin ninyo kay KC….Harmless sa babae yan,,,,,kasi nga lalaki ang hanap niyan….bago na naman raw ang kinakahiligang sports ngayon ni Papa P…Biking,,,yung Type niyang guy..mahilig sa Biking,,hahahaha…mag come-out na kasi….magpa ka totoo na….puro kasinungalingan na lang ba ang Showbiz,,kala ko ba member ito ng isang Christian Group o Church…bakit pilit na itinatago ang tunay na damdamin….hahahah habang buhay na bang puro pagpapakunyari na lang ba?,,sa ngalan ba ng career at pera,ang dahilan,,hahaah ganoon,,

Leave a Reply

Your email address will not be published.