Toni Gonzaga, getting married?

JUST WONDERING KUNG bakit hanggang ngayon, tila bingi ang asosasyon ng mga kaduktoran sa bansa hinggil sa eskandalo ni Dr. Hayden Kho.

Nakakaloka na ang sinapit ng sex video scandal nila ni Katrina Halili. Wala kaming planong kilalanin pa ang gaya ni Dr. Kho, dahil malinaw namang ini-enjoy niya ang lahat ng publisidad na ito.

At dahil mahal namin si Katrina at sinusuportahan sa naging pagtanggap niya sa mga pangyayari, sa kanya mananatili ang aming simpatiya.

Hindi rin naman showbiz personality si Dra. Vicky Belo kaya’t parang nakakalokang isipin na ang mga ganitong publisidad ang kailangan niya.

Gusto man naming unawain ang kanyang panaghoy sa pag-ibig, eh parang

nakakawindang ‘atang magsabing ‘go on Dra., kaya mo iyan,’ dahil nga sa mga propesyon nila at supposedly mga imahe nila sa industriya.

Naaalala pa namin dati, hate na hate ni Dra. Belo ang mga tabloid at gossip newspapers, ngayon eh, tila rito siya humihingi ng saklolo para malinis ang imahe nila? Kahit naman sa mga paborito niyang broadsheets at sosyal na TV shows, iisa ang imaheng nalilikha sa kanila ni Dr. Hayden, at hindi nga ‘yun maganda as we already said.

NAKAPAG-RENEW NA si Toni Gonzaga ng kanyang kontrata sa ABS-CBN last MOnday.

Two years uli ang pinirmahang kontrata ng singer-host-actress ayon sa ever-loving and supportive nitong nanay na si Mommy Pinty.

Dapat daw, tatlong taon ang alok ng Dos sa magaling na aktres-host, pero hiniling nga ni Toni na iklian na lang dahil sa mga plano nito sa personal na buhay.

Ay, kasama na kaya du’n ang matagal nang nababalita na pagpapakasal din nila ni Direk Paul Soriano?

Soap, TV shows, concerts at movies, iyan pa rin ang magiging pokus ng karir ni Toni sa darating na dalawang taon!

SPEAKING OF DALAWA, exciting nga ang mga kaganapan sa paborito nating American Idol season 8 dahil sina Adam Lambert at Kris Allen ang maghaharap sa final.

It’s a battle between the rock star and the acoustic man nga ang mangyayari sa finale ng pinakasikat na singing search sa buong mundo na nagtala ng 88 million votes nu’ng nakaraang linggo.

Sa naging labanan last week, na-surprise ang lahat nang matsugi ang magaling na si Danny Gokey na nakakuha ng pinakamababang boto.

Kaya para ma-excite din kayo, abangan ang pagtatagpo nila ngayong darating na Wednesday, 6 pm (same day replay at 8:30 pm) and the results on Thursday, 8am, live via satellite (same day replay at 7:30pm) – only on Q Channel 11.

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.