Toni Gonzaga, ‘di sumuko sa pangarap na makatambal si Piolo Pascual

THE ULTIMATE Heartthrob meets The Ultimate Multimedia Star. Sa kauna-unahang pagkakataon ay magsasama sa isang bigating pelikula sina Piolo Pascual at Toni Gonzaga.

Unang nagkasama ang dalawa sa isang softdrink commercial kung saan main endorser si Piolo. Sino ang makalilimot sa katagang “I love you, Piolo” na pasigaw na binigkas ni Toni when she saw him at sa bandang huli ay niyaya niya ito para magpa-picture? This TVC paved the way for the young Toni to enter showbiz and the rest, as they say, is history.

Sa wakas, makalipas ang ilang taon mula nang gawin nila ang nasabing commercial ay nauwi na sa big screen ang kanilang inaabangang tambalan. The Star Cinema movie will be directed by Olivia Lamasan.

Nasilip kamakailan ng The Buzz ang shooting ng pelikula. “After I transferred to ABS-CBN, may sinasabi na sa akin, ‘Oh, p’wede kayong magpartner ni PJ.’ Marami na ring scripts na dumaan noon. Nag-expect ako. Sabi ko, ‘Ah, ‘eto na.’ Tapos ang dami niya nang leading lady na naka-partner. Sabi ko, ‘Hala, baka matapos na itong karera ko sa industriyang ito, hindi ko siya makapareha.’ Dumating na talaga ako sa point na ganoon. ‘Ay siguro, hindi ko na siya makakatrabaho.’ Tuwing may bagong leading lady talaga, to the point na negselos na ako. Si Xyriel (Manabat) nai-partner na sa kanya sa 24/7. ‘Hala! Naunahan ako ng bata,’” nakakatawang kuwento ni Toni.

Ano ba ang dapat abangan ng publiko sa romantic comedy movie nila? “I play the role of Ginny na estudyante ni Sir Marco,” pagbabahagi ni Toni. “Marami na tayong napanood na love story, drama and romcom. We are proud to say, it’s not a typical love story that you will see. It’s not a typical ending that you will expect from Star Cinema,” pagsu-suspense ni Piolo.

Toni admitted na kinikilig siya kay Piolo and she looks forward to their shooting days. The two stars are very comfortable with each other at patunay rito ang kanilang mga biruan during the interview. The Buzz asked Toni kung ano ang isang tanong na gusto niyang itanong kay Piolo. “Kailan ka mag-aasawa?,” she asked him. Sinagot naman ito ni Piolo, “Hopefully in a few years time. Bago ako mag-40, iyon ang sinabi ko sa anak ko.” He suddenly asked Toni when she will get married. “Siyempre bago ako, mauuna ka. Tapusin ko muna itong pelikulang ito. Goal ko iyan. Hanggang hindi ko nakakatrabaho si Piolo, ipo-prolong ko itong pagpapakasal ko,” pabirong sagot ng aktres.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

19 thoughts on “Toni Gonzaga, ‘di sumuko sa pangarap na makatambal si Piolo Pascual

  1. nyahahahhaha bago na naman ang pinapa usong  katawagan ni Boy ah,,,ultimate hearttrob si piolo….omg..baka ultimate Beki……hahahha…..Ultimate Multimedia star si Toni….omg…..  pareho ba yan   Queen of all Media ni Kris,,,ha ha  baka ultimate dokleng star…nyahahah joke joke

    • nakupo sa wakas ngpost din kyalang ung mga coment konon pasa ibang article ayaw ipost kya late nako nkakapost…bwiset tlaga…

  2. Paano papakasal si piola eh wala naman siyang gf.? Maniwala naman kau, chinacharing lang kau ni piola magaasawa siya!

      • nyahahahhaha pareho silang hindi maganda,,,,chakaface sila,,,nyahahaha,,,,isang malaki ang bunganga at isang Duling,,,magnada ba yun?   nyahahha……

  3. Ang galing galing ni Toni sa The Voice. Very spontaneous. That just proves how smart she is. Ang ganda ganda pa niya. So pleasant to look at.

  4. Nasobrahan sa gluta injection si Tony:) Nakakasawa na siya everyday nakikita mo face niya sa TV, tapos gagawa pa ng movie…  Kumita ba yung Four sisters movie???

    • Kumita. Blockbuster na naman. Eh iyong kay number two most hated in the world at si Richard movie, kumita ba >

      • nyahahahhaha eh yung kakulay blogspot na pinaka BASTOS na aktres sa buong pilipinas, na si Angel Locsin,,,,,kumita ba talaga yan,,,nyahahhaha     esep esep,,

    • hindi,,pinalabas lang ng opisina ni eric salut na kumita,,,,,,paddding….na naman,,,,,,nakipag away nga ang isang taga Box office Mojo kay salut,,nagalit,,,dahil paiba iba ang pinapadalang gross ng Four Sisters and Enchang gay,,,galing sa star Cinema,,nyahahhaa…..

      • yung PANGA niya,,,medyo tinapyasan,,,nyahahha tingnan ninyo yung picture niya dati sa nung nasa eat bulaga pa siya,,,mala Gabby Concepcion,,,nyhahahaha,,,at medyo pumuti ang babaeta,,,nyahahah   nagpa turok ng gluta,,,,

    • Yong idol mo ang malansa at walang utak. Mukha ngang ang bango bango ni Toni at ang galing galing pa. Dami pang awards. Idol mo, bilasa na. Ampalaya.

    • Salitang Dokleng, galing kay Mariel. Nasaan na ang laos na ‘yan. Na karma ? Never heard na.

Leave a Reply

Your email address will not be published.