Toni Gonzaga, ‘di binigo nina Melai at Jason

KULANG SA YABANG si Toni Gonzaga, kaya’t ang spokesperson na lang niyang si Wendell Alvarez ang gumagawa nito para sa kanya.

Unang-una, gustong pasalamatan ni Toni ang bagong PBB (Double UP) loveteam na sina Melai (Melissa Cantiveros) at Jason (Francisco) sa pag-guest nito sa concert niyang “Love Is… Toni Gonzaga” na ginanap for two nights sa Music Museum. Successful ang two-night concert na iyon, mind you.

Naging madali ang pagkaray niya sa mga ito dahil, “kapatid” niya sina Melai at Jason sa PBB. Hindi lang siya host ng PBB, kundi dating housemate din.

Si Pokwang kasi, kahit nauna siyang nang-imbita sa loveteam ay sobrang adel (as in adelantada) sa pag-iimbita. Kung ngayon gabing tinanghal na big winner at 2nd runner up sina Melai at Jason, kinabukasan agad ang imbitasyon niya. As if ganu’n kadaling karayin ang bagong winners, you know. Konting delikadesa sana. Dumaan muna sana siya sa PBB big boss, por respeto man lang. Hindi naman kasama sa negosyo ‘yung kapag sinasabi ng madlang pipol na para silang mag-ina ni Melai, eh, passport na iyon para ma-prioritize ang kanyang imbitasyon.

Teka, teka, naligaw yata ang topic natin.

Basta, natuklasan ni Toni na gayun na lang ang kasikatan ng love team dahil masigabong palakpakan ang salubong sa guests niya, kahit in short notice ang appearance nila sa concert ni Toni.

Hindi rin nahirapan si Toni na imbitahan si Sam Milby, dahil alam n’yo na, silang dalawa ang unang nakilalang love team kaysa kina Sam at Anne (Curtis). Siyempre, may sentimental value ang naudlot nilang tambalan. At may sarili rin silang following, tulad nina Melai at Jason.

Ang magandang segue ni Wendell ay ang napipintong bagong concert ni Toni. Na-inspire nga sa tagumpay ng “Love Is…” may target na guests uli si Toni. Ang bagong leading man niya sa isang movie, si Robin Padilla, no less.

Dahil mahiyain (bukod sa kulang sa yabang) si Toni, I’m sure na si Wendell uli ang gagawa nito, para sa kanya. I’m sure, pangalan lang ni Toni ay nanginginig pang magpapaunlak si Robin.

Posibleng paglabas ng column na ito, naganap na ang first day shoot ng Robin-Toni movie.

NAG-APOLOGIZE NA RAW ang manager (dito sa ‘Pinas) ng Jabbawockeez kay Jed Madela. Buti naman.

Sa last appearance kasi ng grupo sa ASAP XV, binitbit ng dalawang bodyguards ang international singer (si Jed) para maialis sa daraanan ng Jabbawockeez.

Tinawag na daw kasi ang mga ito para sa kanilang dance number on stage. Mahilig kasing tumakbo (akala mo may humahabol) ang grupo when they are called. At iyon nga, dahil nasa daraanan ng mga ito sina Jed at iba pang artists, si Jed, among others ang nabitbit nila.

As if ang grupo ang star of the show, na kailangang umalis ang lahat sa daraanan nila, at the mention of their names.

Nagimbal ang lahat ng nakakita sa dalawang bodyguards. Kung higit sa dalawa pa siguro sila, posibleng hindi lang si Jed ang binitbit ng mga ito, kundi lahat ng sikat na artists na nakatayo sa lugar na iyon.

The height ng kayabangan ng grupo, eh, hindi man lang sila nag-sorry kay Jed, after their number. Kung hindi pa sila ineskandalo sa TV hindi pa malalaman ng madlang pipol ang kagaspangan ng kanilang ugali.

It took their manager (dito sa ‘Pinas) to do it for them. I’m sure, walang pakialam ang grupo sa inasal nila.

Tiyak na hindi na muli pang iimbitahan ng network ang magagaspang na imports. Mabuti naman at nakaalis na sila ng bansa.

Sa totoo lang, noong first appearance nila sa ASAP, pinagkalumpunan sila ng mga dance group natin, pati dance instructors. Hoping na kagila-gilalas ang magiging performance nila. Pero, sobra silang na-dissapoint. Lumang steps ang nakita sa kanila. Mga dance steps na panahon pa ni Mahoma nang gawin ng local dancers natin. Kay Vhong Navarro pa lang at sa ASAP XV dancers, panis na sila.

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

14 thoughts on “Toni Gonzaga, ‘di binigo nina Melai at Jason

  1. Mayayabang talaga ang mga Fil-ams. Galit sa mga FOBs. Akala mo kung sino, eh, economic refugees lang naman.

    Hoy mga Fil-ams, bakit turo-turo pa rin karamihan ng mga Pinoy dining places d’yan sa Cali, ha? Kacheapan! Mapasaan nga naman mapunta ang Pinoy, dala pa rin ang sense of mediocrity. Kaya hindi sumisikat Filipino cuisine, ‘no? lolz

    • Generally, ang filipino cuisine naman talaga ay mediocre, maski saan kang sulok nang mundo pumunta. Balut, Danggit, tinapa, tuyo, bagoong, at maramu pang iba. Most of our Filipino foods are the combination of Spanish, Chinese, American ang Malayan influence kaya halu-halo ang recipe pero mayroong similarities sa mga countries na nag influence sa atin. Pero sa amin, ito ang bagay na nami-miss namin. Unless you were born with a silver spoon, don’t tell me you have not eaten any of these. And also, not all of us here are economic refugees. My parents both have a medical degree and are the top anaesthesiologist and radiologist here in the Methodist Hospital in Cali as you put it. I am a medical student and just graduated Bio which is a form of pre med in the US. So, huwag mong lahatin. Kung may mayabang na Fil-am, marami ring mayabang na purong Pinoy. Parang galit na galit ka at may itinatago kang hinanakit sa taga ibang bansa. Bakit ba kasi?

  2. Basta para sa amin, si Toni and number 1. Magaling, mabait, matalino, matulungin, maraming talent, mapagpakumbaba. Marami pang M. Para tuloy streets dito sa Teacher’s Village ang traits niya. Number 1 rin kaming fan niya. Movies niya at TV shows inaabangan namin lagi. Go Go Go Toni G ! ! !

  3. would like to add din…malamang she didnt decide on who should be the guests.. it is an ASAP produced show, malamang ang star magic ang may gustong i guest yung mga yun

  4. i dont get your article…it seems like a sarcasm to me. una, pinasalamatan nya po sa elive ang mga naging guests nya sa concert nya nung feb 26 and 27 pati rin po yung mga nanood..

    tsk tsk

  5. nakaalis na pla ang Jabbawockeez sa bansa ngaun mo lng cnulat to. sana nilabas mo ang saloobin ng pinoy nung andito pa cla pra makasagot nman cla.

  6. Melai is so natural. Charisma, that’s what she has. Sana si Jason hindi lang napipilitan. I am a big fan of Toni Gonzaga. They did not show PBB here but I tried to catch up with youtube. She is a really good host and stands out over Mariel and Bianca although I love the three of them. Hope to see her movie with Robin Padilla.

  7. TAMA TAMA…
    kahit super sikat na si toni, super humble parin sya kaya marami naiinlove sakanya including ladies haahha…

    luv luv toni g. :D

  8. Love Toni Gonzaga. Tama ang sabi mo. Kulang sa yabang pero hindi na kailangan magbuhat nang bangko. Maraming may gusto kay Toni G. Sana andiyan ako sa Pinas para mapanood ko ang susunod na concert with Robin as guest. Oh well. . .hihintayin na lang namin ang movie nila. Good luck Toni G. . .

  9. yes owver kasikat ang Melason, nandito ako sa ibang bansa pero pagtumatawag ako sa pinas sila ang pinag uusapan namin hahaha as if parang part of the family ang melason ;)))

Leave a Reply

Your email address will not be published.