Parazzi Chikka: Toni Gonzaga, ayaw makumpara kay Sarah Geronimo

Kamakailan lang ay inanunsyo na sa publiko ang upcoming Philippine Tour ni Toni Gonzaga para pasalamatan ang lahat ng tumangkilik sa kanyang mga album.Dahil dito, hindi na naman naiwasan ng mga miron na ikumpara ang dalaga kay Sarah Geronimo. Depensa naman niya, malayo na ang narating ni Sarah in terms of concerts and singing kung kaya’t huwag na raw sana silang intrigahin pa.

Nilinaw naman ng versatile singer/actress/host/model na ang nasabing tour ay matagal nang plinano ng Star Records. Hindi lang natuloy dahil naging busy ito sa kanyang movie and tv commitments. Ilan sa mga kantang pinasikat ni Toni ay We Belong, Catch Me I’m Falling at Kasalanan Ko Ba? Ka-join din siya sa comeback movie ni ERAP with Ai-ai delas Alas. Lalabas na rin soon ang pelikula niya na ang jowang si Paul Soriano mismo ang nag-direk. Bongga na nga sa lovelife, bongga pa sa karir! San ka pa?!

By Mica Rodriguez

Click to enlarge.

loading...

2 thoughts on “Parazzi Chikka: Toni Gonzaga, ayaw makumpara kay Sarah Geronimo

  1. Good answer Toni. I can tell you are very diplomatic. Pasok ka kaya sa pulitika. Bagay na bagay kayo ni Direk Paul. Siguradong manonood ako nang movie mo at nang bago mong TV shows. Sana makita ko rin ang movie na ginawa ninyo ni Direk Paul. Good luck. Mwaaaaah.

  2. Ang ganda mo Toni. Talented, classy, crush nang bayan. I’ll wait for your movie and your TV shows. Go Go Go. Nakakaaliw ka.

Leave a Reply

Your email address will not be published.