Toni Gonzaga at Piolo Pascual, may love scene sa pelikula

2 Toni-Gonzaga-Piolo-PascualANG MGA kalalakihan, inggit kay Piolo Pascual. Ang mga bekis, pantasya siya. Ang mga straight acting o mga pa-mhin na mga baklita, bukod sa naiingit sa kanya, pantasya rin siya ng mga ipokrita.

Ang mga girls, dalaga man o may asawa, palaging si Papa P. ang kasama sa listahan nila sa mga good-looking showbiz personalities. Si Piolo ang gusto nilang maging boyfriend o maging asawa.

Ewan ko kung anong meron si Piolo Pascual na wala kay John Lloyd Cruz, Dingdong Dantes, Gerald Anderson, Sam Milby or even Dennis Trillo at kung sinu-sino pa na. Halos lahat ng mga artistang babae, gusto siyang makasama sa pelikula o telebisyon.

May charm kasi si Piolo na ang kaguwapuhan at katahimikan ay lalong nagbibigay sa kanya ng misteryo na kahit sino, gustong tumbukin at alamin ang misteryun na ‘yun.

Ang guwapo kasi ng mukha niya bukod sa alagang-alaga ang kanyang pangangatawan. Seksing-seksi sa amin si Papa P.

Nang mapanood namin ‘yong trailer ng pelikulang Starting Over Again na Valentine offering ng Star Cinema, ‘yong tatlong babae in their early 30’s kinilig nang ma-close-up ang mukha ni Piolo sa pelikula.

May kiliti at kilig ang movie ni Papa P kung saan kapareha niya si Toni Gonzaga sa direksyon ni Olive Lamasan.

Piolo plays a chef at si Toni naman based sa basa namin sa trailer, ex-girlfriend ni Papa P. na iniwanan siya. Ang kuwento ay iikot kung papaano nila mamahalin muli ang isa’t isa sa muli nilang pagkikita. Sa isang simple peg, napaikot ng creative director na si Carmi Raymundo at Direk Olivia Lamasan ang kuwento na para sa amin ay bago.

Dream come true para kay Toni na makasama ang aktor niya nakilala at nakasama almost 13 years ago noong gawin nila ang isang softdrink TVC. Basta ang punchline ni Toni sa storyboard ng TVC ay “I Love You, Piolo!” kung saan naging tatak ‘yun ni Toni. Kung may Twitter, Facebook or Instagram marahil noong panahon na ‘yun, super trending for sure ang statement na ito ni Toni sa social media.

Aminado si Toni na pangarap niya makasama si Piolo sa pelikula Sa TVC nila noon, pinangarap niya ang aktor na kung sakaling mag-showbiz siya; gusto niyang makapareha si Papa P.

Sa isang Kapamilya event (Star Cinema party yata ‘yun); nang makahanap ng tiyempo, may sinabihan siya na sana sa next movie niya, si Piolo naman ang makasama niya.

Hindi ini-expect ni Toni na magkakaroon ng katuparan na after Four Sisters and a Wedding movie niya with friends like Bea Alonzo, Shaina Magdayao, Angel Locsin with Echong Dee, itong project niya with the actor na Starting Over Again ay wish come true.

Ang maganda pa, si Direk Olive ang director na binigyan na si Toni ng warning ni Bea na dapat ready siya sa kanyang role (handa sa pagharap sa kamera) tuwing may shooting, dahil kabisado nila kung papaano magtrabaho ang batikang si Direk Olive na paminsan-minsan mo lang mapapa-direct ng pelikula.

Sa pelikula, may love scene sina Toni at Piolo. First time ng host-commediene na gawin ang love scene in her entire showbiz career.

I just don’t know kung papaano ipinaliwanag ni Toni sa boyfriend niyang si Paul Soriano na sa pagkakaalam ko, sagradong-sagrado at bawal yata sa Christian faith niya (at nila ni Toni) ang gayong mga eksena kahit sabihin na for the sake of art at para sa pelikula.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

One thought on “Toni Gonzaga at Piolo Pascual, may love scene sa pelikula

Leave a Reply

Your email address will not be published.