Toni Gonzaga at Mariel Rodriguez, nag-uusap na sa text

MUKHANG PATUNGO NA sa reconciliation ang away nina Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga. Ang latest tsika na aming nakalap, nagte-text-an na raw ang dalawa ngayon. Hindi magtatagal ay baka tuluyan nang mag-usap ang dalawa at magkabati na.

Sinabi naman ni Toni na ayaw niya ng may kaaway at gusto na niyang mag-move on sa gulo nila ni Mariel. Natuwa nga siya nang malaman niyang nag-text sa KTEXT si Mariel recently at sinabing suportahan ng fans ang movie ni Toni na My Amnesia Girl.
Very positive din si Mariel sa kanyang sagot kung willing siyang makipag-usap kay Toni.

Kagagaling lang niya at ng kanyang dyowa sa India kung saan gumawa sila ng movie.

This year na pala magtatapos ang kontrata ni Mariel sa E-Live at hindi pa sure kung babalik pa siya sa show o kung magre-renew siya sa ABS-CBN.
LUMALA NA ANG issue sa pagitan nina Sharon Cuneta at Aga Muhlach.

Mangiyak-ngiyak na nagpaliwanag si Sharon noong launching ng kanyang fragrance line na Loving.
“Ang dami ko kasing puwedeng sabihin, but you know I don’t know if I’m alone in wanting to save the friendship. Kasi ang totoo nito, ganito lang po ‘yon. Dapat hindi lalabas ‘yung rason ng mga personal na tampo ko, kasi seven years na kaming magkaibigang matalik… seven years… as in puwede niya akong batukan… puwede ko siyang suntukin, gano’n. Very ano kami… I know him, he knows me. I love his family. Minsan pumupunta siya sa bahay kakain siya,” kuwento ni Sharon.

Feeling ni Sharon, lumaki ang issue matapos mainterbyu si Aga na na-bad trip daw sa joke. Ang ikina-badtrip ni Aga ay ang comment ni Shawie na “Sino ‘yun?” nang banggitin ni Ai-Ai delas Alas na nasa concert niya sa Araneta ang isa sa naging leading man ng Megastar.

“Feeling ko between me and Aga ito. Lumaki ito nang ganito, nagkasakit-sakitan na after the Ricky Lo article. Parang naawa naman ako sa sarili ko, kasi I had to defend myself.

“I really thought while it was going on, I had it all under control na joke lang ito lahat talaga. I mean, give me naman a little credit for not saying on stage na bakit ako galit.

Kung talagang galit ako, ‘pag ‘di ko na ma-take ‘yung tampo,
hamunin ko na lang ng suntukan,” pagpapatawa ni Sharon.

“I’m quick to say I’m sorry if I’m wrong, so please forgive me if I said something up onstage, but kung hindi mo rin alam kung ba’t ako nagtatampo, wala na ba talaga akong halaga sa ‘yo?
“Sana tapos na ito. I think I’ve reached out. I’ve done my part, so Teng (tawag niya kay Aga), kung may natitira pa akong halaga sa ‘yo bahala ka na sa gagawin mo.

And if this is the end of our friendship after seven years… ganito na
lang tayo… nag-uusap sa presscon… what can I do? Basta ako ‘pag nawala ako sa isang kaibigan, promise, napakalaki kong kawalan. Wala ngang nagmamahal na tulad ko, OA nga ako. Wala akong pagkukulang, pagsosobra marami,” sabi ni Shawie.
BLIND ITEM: Hindi marunong magpahalaga ang singer-actress na ito sa kaibigan niyang manunulat.

Nakasama niya ang writer at nagkatrabaho pa sila pero noong birthday ng hitad ay hindi man lang niya naalalang imbitahin ang pobreng writer. Ang nakakatawa pa, ang mismong boyfriend pa ng singer ang nag-imbita sa manunulat para dumalo sa birthday ng mang-aawit. Siyempre, out of delicadeza, hindi umapir ang writer sa birthday ng singer.

Tsugi na pala dapat ang singer sa isang musical variety show. Nanggaling mismo ang tsismis sa isa niyang malapit na kamag-anak. Hindi lang natuloy ang pagtsugi sa kanya kasi nakialam ang bago niyang manager at ginawa yatang panangga ang kanyang sikat na aktor na alaga, para hindi alisin ang beauty ng singer na malapit nang malaos.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

19 thoughts on “Toni Gonzaga at Mariel Rodriguez, nag-uusap na sa text

  1. sharon at kc pareho ang mag ina sa the buzz walang gana manood sa kaartehan ni kc sana tanggalin na yan sa prorama sana mabasa ito ng abs -cbn sabi nyo kami ang boss nyo so pakitanggal si kc

  2. kay toni at mariel, sana maging okay na talaga sila. :)) pero naisip ko, ang friends talagang nasasabi yung mga di magaganda about sa kanila pero dapat sa kanila-kanila lang yun. yung pagiging duling ni toni (which is true) naman at nagustuhan pa rin naman siya ng tao despite that fact, okay lang sana kung sila-sila lang yung naglolokohan about dun (i mean, sila nila bianca) pero pag sa ibang tao mo na sinasabi, lumalabas na naninira ka na, foul na yun. so sana may matutunan si mariel dun. i really hope maging okay sila.

    kay sharon, totoong nadisappoint din ako sa naging actions niya. napakachildish. i used to like her kasi mukhang ang bait-bait niya tapos yun pala may mga ganyang issues siya na di niya maayos sa mature na paraan. kay kc, argh. everytime i see her on the buzz, naiinis ako sa mga comments niya. parang di pinag-iisipan. makacomment lang. nakisali pa sa issue nila toni and mariel. wag ka ng manggatong pag di ka naman talaga involved. swerte mo lang big time yung bumaback-up sayo (si mega).

    sa bi, who cares??

  3. well duhh!! tapos na kasi un promo for my amnesia girl kaya syempre ngayon bati na si mariel at toni!! tsktsk.. mga gimik tlga!! ayayayy…

  4. Sharon you should know kasi smart ka na hindi maganda ilagay ang mga diry linens mo sa public maski joke lang kasi mga artista kayo at kayo ang mga ginagawang role model ng ibang kababaihan at kong ano ang gagawin ninyo, ma magnify yon by thousand folds kasi mga artista kayong palaging nakikita sa tv or movies kaya para walang eskandalong ganyan next time, mag ingat ka, what you did was so childish and unprofessional and you looked like someone who is insecure at pagkatapos, you seemed to blame Aga which I’m not a fan of Aga either, na kesyo hindi ganito hindi ganoon. Sharon you should not force yourself on others, if you don’t hear from the guy, baka mayroon yon maraming problema, or beseng bese rin, hindi lang ikaw Sharon ang may pamilya, anak at trabaho, hindi lahat ng tao may buhay na kagaya mo Sharon, at ginawa mo pa yon sa concert ni Ai Ai, hindi ka na nahiya kay Ai Ai, inalisan mo pa si Ai Ai ng time na mapag usapan ang concert nya, that was not even your Concert Sharon, you were just a guest, how dare you acted like that. Yon lang ho! I’m sure sa ginawa mong yon, maramin ang nandidiri sa yo at maraming ring nalalaman ang totong Sharon Cuneta. Maski ako nawalan ng gana sa yo kasi pag makita ka sa TV you acted so sweet. Mabuti na lang gentleman si Aga at walang masamang tinapay na ibinabato sa yo, I have so much respect for Charlene kasi nakita ko how she acted sa The Buzz, ang professional nya ang makita mo talaga na umiyak siya sincerely at nasaktan sa nangyayari. I think in my opinion, Sharon shoudl apologize and say that it was her fault, or nagawa na ba nya yon? Yon lang ho, Peace.

  5. hoy toni gaga k pa kong makipagbati ka pa dyan sa palstik at back biter na babaeng nyan….wag na lang tama na yong pinagsabihan ka ng duleng pero sore ha totoo naman kasi na duleng ka eh……lalo na pag makapal make up mo halatang halata talaga as in……

  6. naku ricky lo.. masamang mgalit si sharon cuneta…. kahit asa abs yan at asa gma ka… naku naku ingat ka…if i were you magsorry na ko meron man o wala akong ginawang masama…

  7. That was a surprise birthday party for Jolina, gets ba nila? Hindi nga alam ni Jolina yung party na yun eh. It was her boyfriend Mark Escueta at ang parents niya ang nag asikaso nun. Kaya understandable na ang BF ang nag invite. Paano mo iimbitahan ang isang kaibigan or kakilala gayong hindi mo naman alam na may surprise party sa iyo? Minsan talaga etong mga writer na eto or da who da who, magtatampo at mag ba blind item kaagad nang hindi naman inaanalisa ang sitwasyon tsk tskkkkkk!

  8. FYI Sharon Cuneta, hindi lang galing sa article ni Ricky Lo ang start ng controversial na pambabastos mo kay Aga. Kundi galing mismo sa mga taong nakapanood ng concert ni Ai Ai, isa na ako doon. Kitang kita naman kasi eh, ngayon iiyak iyak ka dahil sukol ka? Kung dangan naman kasi maghinay hinay ka sa pagjo-joke mo (sabi mo nga nagjo joke ka lang) hindi sana nangyari iyan. Pinaiiral mo kasi minsan ang kilos at pananalita mong parang feeling bata, which is hindi na talaga bagay sa iyo lalo na sa estado mo. Don’t get me wrong, hindi ako fan ni Aga. Ang akin lang ay ang nakita ko mismo during the show. Ngayon, you always mention the blame to Ricky Lo. Be responsible enough sa ginawa mo, ayaw mong lumabas sa mga babasahin ang nangyari but you did it in front of many people.

  9. tumatanda na ng paurong si sharon,,wahahahaaha,,,tama bang i annouce ang ganun na tampuhan,,pashowbiz ha,,kawawa naman si aga,,buti mabuting tao si aga at malawak mag isip,,well,,sana nga mas matuloy ang movie ni aga wid LEA SALONGA AT PIOLO PASCUAL soon,,true ba na mala MOULIN ROUGE O CHICAGO ito,,wow,,diba,,maiba naman ang tema,,

  10. kay mariel at toni naman,,in gods tym sabi nga ni toni,,hindi pweding madaliin ito,,sa totoo lang,kakatakot maging kaibigan si mariel kase para syang weak na easy to get at plastik,,kaaktakot magtiwala,,e si toni,,mabuting tao,simple at maka dyos pa,,,so parang opposite diba,,.sana in gods tym mag ok sila …hay nako,,i watched yung tv patrol at tlagang nakakawalang respeto kay mariel mga binitawang pahagin ni robin kahit pa joke iyon gaya ng pagsasawaan ang katawan at kabataan ni mariel,,tsk,,i predict,2 yrs,,tapos na relasyon nila at i guess,..aanakan lang sya,ang babaeng nakuha ng lalake ng madali lang di ganun rerespetuhin ito,,pagsasawaan lang ito,gaya ni robin kay mariel,,sayang si mariel,,nagpakasira kay robin,,tsk,,

    • Akala ko ako lang ang nandiri kay Robin. May kabastusan rin pala ang nagmumurang kamatis. Bagay sila ni Mariel.

  11. BI….jolina magdangal…bf na nag invite marc escueta.ang bagong manager na nakialam… perry lansingan…ang sikat na aktor na ginawang panangalang…dingdong dantes????
    tama ba eto or haka haka lang?

  12. ito lang yan,,tutal nag sorry na si sharon,ok nayan,,matatanda na sila at senior star pa naman sila sa konting tampuhan dapat pa bang palakihin,.maging role model naman sila sa mga bagong stars diba,.kakaloka,,at kakatwa si shawie..nagtatampo na sya now,,heheheh,,wwelll…tao lang naman,,diba,,di nman maiiwsan ang mgaganyang bagay sa frenship,..mahalga jan ,ok na sila ulit at nag sorry na si sharon,,sana matuloy ang LEA SALONGA-PIOLO PASCUAL-AGA MUCHLACH soon,,na drama-musical ang tema,,.sana din if matutuloy ang SHARON CUNETA-GABBY CONCEPCION movie ay isang thriller-drama nalang at di na lovestory kase kakasawa na mga lovestorys na movies sa pinas,,

  13. Edukado ka ba Sharon? Tutuo ba ang naririnig naming mga fans na after all,lumabas ang tunay mong ugali?mabait ka Lang sa mga pinipili mong kaibiganin pero snub ka pag yaw mo na…grabe gusto mo Lang ng pag usapan why in the expenses of other people? Sayang kasi akala naming iba ka,pero kapag palaos na pala,magaling gumawa ng ingay…Kung anong taba mo,syang payat ng puso mo! You don’t need to be humble in public,you could have done it ng kayo Lang ni Aga…

  14. Agree…Sharon if you care for a friend,sana di sa Araneta, para kang bata,sabi ng iba matalino ka pero what you did is opposite…di ba mas maganda kapag tahimik ka na Lang? Pati anak mong si KC hilig makisawsaw sa issue…mag-in a nga kayo,gusting may news para pag usapan,you both are not mega kundi NEGA people!

  15. ang taas ng respect ko kay Sharon. pero sa ginagawa nya ngayon parang tingin ko sa kanya nawalan ako sa kanya. tama yaeder bastos sya. Si KC isa pa yun. sya ang plastic at sinungling. ang sabi nya dahil daw sa talk show nya kaya masama daw ang sinabi ni Mariel. eh noon pa yun di ba. nang mag guest si Mariel sa the buzz smile na smile naman siya kay Mariel. Totoo nga mag-ina parehong basura!!!!!

  16. Hay naku Sharon, I admire you for what you’ve achieved, pero sana kung may tampo ka man kay Aga ay di mo na sana in-announce at ipinahiya pa sa harap ng libu-libong tao. Ang nangyari tuloy nag-agaw eksena ka pa kay AiAi. Dapat ka lang magpakumbaba at humingi ng tawad. Maliit na bagay ang tampuhan sa magkakaibigan lalo na kung pribado pero iba yung ipapahiya mo ang isang tao sa publiko. At kung humingi ka man ng tawad mali naman na manawagan ka rin na humingi siya sa iyo ng paumanhin. Gusto mo ng simpatiya ng mga tao kaso malas ka na lang na kabaliktaran ang nangyari. Napakabastos talaga ng ginawa mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.