TONI GONZAGA AT MARIEL RODRIGUEZ, HALATANG NAGPA-PLASTIKAN!

NATULOY KAYA ang date nina Angel Locsin at Phil Younghusband?

We’re asking this, kasi nag-tweet si Tim Yap nu’ng Linggo ng madaling-araw at sinabing magkikita nga ang dalawa.

“Just learned that Phil Younghusband will be going out on a date with Angel Locsin tomorrow. They’re gonna go target shooting. Hanep!” ‘Yan ang tweet ni Tim na umani ng reaction sa maraming kababaihan sa Twitter.

May mga nagkagusto sa message na ito ni Tim at meron din namang naging concern kay Luis Manzano na ex-boyfriend ni Angel. Hindi na kami nagtaka kung bakit sa target shooting gustong makasama ni Angel si Phil. Athletic kasi ang dalaga.

Saan kaya papunta ang pagkakaibigan ng dalawa?

HINDI KAMI na-impress sa pilot episode ng bagong noontime show ng ABS-CBN nu’ng Sabado dahil nagmukhang musical ang show. Ang da-ming production numbers at iilan lang ang games.

Nagkalat si Sam Milby sa production number niya kasama ang mga walang ‘K’ na contestants ng isang music search. Sumablay ang boses ni Sam at muntik nang pumiyok. Ibinaba na lang niya ang tono niya dahil hindi siya makasabay sa mataas na tono ng kanta.

Sinabi naming walang K ang contestants ng talent search ng Dos dahil they are nowhere near Sarah Geronimo’s vocal prowess. Malayung-malayo sila maski na sa dating. They’re not star materials. Isa kaya sa kanila ang ipapalit ng Dos kay Sarah kapag umalis na ang dalaga sa Kapamilya network?

Naku, I’m sure may magre-react na naman diyan. Hahaha!

Anyway, hindi namin nakitaan ng potential ang bagong noontime show ng Dos. Wala itong kadating-dating. Talagang hindi pa isinisilang ang magpapataob sa Eat Bulaga.

HALATANG FORCING THROUGH ang production number nina Mariel Rodriguez, Toni Gonzaga at Bianca Gonzalez. It was made to believe that Mariel and Toni are indeed okay na okay na.

Helllooowww! Feeling namin ay nagpaplastikan lang sina Mariel at Toni, ‘no! Siyempre, they have to do it, kasi may show sila together. Talagang tinayming nila ang kanilang pagbabati para sa show.

At may mga patutsada kay Willie Revillame sina Randy Santiago at Mariel. Bigla kasing may nag-ring at sinabi ni Randy kay John Estrada na ‘wag na nitong sagutin. Obviously, he’s referring to the incident kung saan tinawagan ni Willie si John at tinarayan ito habang live na live ang Willing Willie.

Si Mariel naman nagpa-kontrobersiyal.Talagang tinanong niya kay Sam kung alam nito kung sino ang best man sa kasal ni John before doing the intro of John’s dance number. Of course, by now ay alam n’yo na siguro na hindi na matutuloy si Willie bilang best man ni John sa kasal nito.

May pagka-slapstick ang production number nina John, Priscilla Meirelles, Bianca Manalo at Melai Cantiveros matapos itulak-tulak ni Bianca si Melai. It was as if hindi puwedeng makipagsayaw sa isang guwapong lalaki ang katulad ni Melai. That’s the message that the dance number unwittingly conveyed.

Naku, mukhang ayaw mag-move on ng noontime na ito sa dating naging hari ng noontime show last year. Hanggang ngayon kasi ay obvious namang bitter pa rin sila.

MAGDYOWA NA RAW sina Matteo Guidicelli at Maja Salvador. Hindi lang daw friendship ang mayroon sa dalawa. Talagang na-develop ang dalawa pagkatapos magsama sa isang show.

May nakapagsabi sa amin na hindi na itinuloy ni Matteo ang panliligaw kay Sarah dahil alam naman niyang mahihirapan lang siya rito. Aware naman kasi siya na sobra ang higpit ng mga magulang ng singer-actress, kaya naman ibinaling na lang niya ang kanyang pagtingin kay Maja.

Sabi nga ng friend ni Matteo, hindi magtitiyaga ang binata sa isang babaeng sobrang hinigpitan ng kanyang mga magulang na parang iginapos na ang puso. Ngayon, masayang-masaya na si Matteo sa piling ni Maja.

Bakit nga naman niya i-pipilit ang sarili niya sa isang dalagang nakatali sa saya ng kanyang mga magulang kahit of age na?


Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

23 thoughts on “TONI GONZAGA AT MARIEL RODRIGUEZ, HALATANG NAGPA-PLASTIKAN!

  1. ako rin wala akong pakialam sa rating, ke sehoda kung mababa ang rating ng HYY susuportahan ko sila. Kapamilya ako pero nanonood ako ng EB. Yun eh kung tapos ko ng panoorin ang mga paborito kong shows sa Dos. :-)

    • @Orkidia; I never once used to be blind kung kalidad ang pinag-uusapan. Likewise, here’s a drop of comparisons kung bakit mas makulay ang GMA kaysa ABS-CBN (Kapuso vs Kampanilya);

      Best in Comedy Show (Gag Show) – WINNER Bubble Gang (vs Banana Split (tsugi)
      Best in Noontime Show (Variety Show) – WINNER Eat Bulaga (Hall of Fame) vs Wowowee (tsugi)
      Best in Pageantry Show – WINNER Binibining Pilipinas (vs Mutya (MUTA) ng Pilipinas na nilalangaw sa dami ng bakanteng Upuan)
      Best in Reality Show – WINNER Survivor Philippines (vs Fear Factor- natakot …fear)
      Best in Narrated/Charity Show – WINNER Wish Ko Lang (vs Nagmamahal Kapamilya…….(tsugi))
      Best in Morning (Show) – WINNER Unang Hirit (vs Umagang Kay Ganda……….I-REREVIVE ..kaya hanging ang mga maiiwan like Pinky Webb hehehehhe)
      Best in News & Current Affairs – WINNER 24 Oras (vs TV Patrol ayun tinanggal na si Karen Davila at pumalit si Korina at Noli again…hehehehehe)

      Conclusion,………..kailangan pa bang i-memorize yannnnnnnnnnnn…..hmmmmmmmmmmmmmm

  2. ~alam mo alex ikaw lang naman ang apektado eh,at wala talagang makakatalo sa EB . maliit pa ko EB na yun at talagang iba ang hataw nila T.V.J…..at natural na magmukhang musical ang show,dahil kung damihan nila ang game baka sumugod ang mga tao,maulit pa ang STAMPEDE.wala namang masama kung mangapa pa ang mga yan,lawakan ang pag-iisip….yung kay toni at mariel,ibalato mo nalang yan sa kanila hwag ng palakihin,sila lang naman nakakaalam nyan…alex,,,pakialaman mo yang noo…s tradamus mo lawak na…. hahahah

  3. wla akong pakielam dyan basta ako nanonood ng mga telesere ng dos at sa tv5 nama iyong babaeng ham paslupa at cyempre iyong willing willie enjoy ako doon kya kyo ang maglabo labo hahahahahha lve love love…

  4. nag-umpisa na naman 'tong writer na 'to…it's to early to tell to conclude about things…and about dun sa sinasabi mong mga contestants dun sa star search…bakit? napanuod mo ba yung star search na yun simula umpisa nung show??? kung sa show lang na to na sinasabi mo napanuod yung mga contestants para mgconclude ka agad ng kung ano-ano, I suggest na panuorin mo yung buong season bago ka mgconclude na "they're not star materials"…yan ka na naman eh, ngsusulat na naman ng kung ano-ano ng walang tamang basehan!!!! isang beses mo lang napanood ganyan na agad ang konklusyon mo..YOU ARE SO UNPROFESSIONAL!!!!!pang ilang beses mo na 'tong ginawa,dati yung kay Melai na sinabi mong bkit pic lang Mr Fu lang ang sinunog na MALI KA, tapos eto na naman..Hindi ako tapos ng journalism pero hindi ba dapat bago ka magsulat ng mga article na pinupublish eh may tamang basehan ka???..tanung,si Sarah ba nung nag-umpisa at sumali bongga na ba agad sya? Gnun din kina Regine, Kyla, Rachelle Ann, Erik, Christian, Yeng, Jonalyn, Aicelle, Frencheska etc? Lahat sila nung ngsisimula pa at sumali hindi naman agad sobrang ganung kagaling..Hinubog sila ng panahon..Lahat ng tao dapat binibigyan ng pgkakataon, lahat ng tao may karapatan, hindi dapat AGAD hinuhusgahan..sobra ka naman kung makahusga Mr. Alex Valentin Brosas!!!

      • …good AM maria,alive ulit ako dito.kaso nawala yata ibang friends.sina sundyegan,eye of the tiger,kontingdelicadeza ect….at si carrie pa pala. heheheh peace

      • Hi Exile, kumusta na, miss na rin kita. Nagtataka ako kong bakit hindi na kita masyadong nakita dito. Si Sundyegan sinabihan ako na ang bagong username daw nya si Orkidia na, (see the bottom poster here) kasi nagbago na raw sya ng e-mail address. Oo miss ko na rin yong iba nating friends dito, hindi ko na rin sila masyadong nakikita dito.

    • BULLSEYE! hahaha! agree ako sa nasa itaas ko dahil totoo ang sinabi niya. Eh lahat naman ng mga sikat na singers na yan nahasa na lang ang kanilang boses sa pagsali-sali sa mga singing contest.

  5. Kitang-kita na kasi, ayaw pang magsi-amin !
    May ratings-ratings ka pang nalalaman, samantalang DILAT pa sa DILAT na KUWAGO na laging naTSUTSUGI ang noontime show ng ABS CBN….
    Name some,…..at kailangan pa bang isa-isahin??? O bulag ka lang…………….
    ewan ko sa iyo…..bulaggggggggggggggg

  6. magkano naman kaya ang ninayad sayu ni mr. willie r. mr. alex? kung di mo feel ang happy yippee yehey eh doon ka sa willing willie na totoo nman title lang ang pinalitan pero wowowee p din! eewwww! bayarang reporter! karamihan sa inyo walang crediblity! pwe!

    • mukhang natapalan din ng datung ni willie itong writer na ito eh. katulad ka na rin ng nanay-nanayan niya na walang magaling kundi ung network niyang pinaglilingkuran. Hangga ngayon ay bitter pa rin sa Dos dahil sa pagtsugi sa kanya.

  7. Naman! napakaaga pa para husgahan mo ang bagong show nina randy at john. Bakit di mo husgahan ang mga shows ng tv5, na pulos 1 digit lang ang ratings. lol!

  8. Pingback: Tweets that mention TONI GONZAGA AT MARIEL RODRIGUEZ, HALATANG NAGPA-PLASTIKAN! | Pinoy Parazzi -- Topsy.com

Leave a Reply

Your email address will not be published.