Toni Gonzaga at John LLoyd Cruz, papalitan ang sitcom nina Angel Locsin at Vhong Navarro?!

Toni-Gonzaga-John-Lloyd-CruzGRABE ANG nasaksihan namin na magkasunod na pictorial nina Matteo Guidicelli at Edward Mendez nitong Sabado lang para sa 2014 calendar ng Belo Medical Group ni Dra. Vicki Belo! ‘Yun nga lang, siyempre, bawal pang ilabas ang mga litrato nila na nakunan namin para hindi nga naman sila ma-preempt which we understand.

Anim na babae at anim na lalaking celebrity endorsers ng Belo ang unti-unti nilang i-pictorial para buuin ang 12 months ng buong taon ng 2014.

Nakatutuwa si Dra. Belo, dahil nang abutan n’ya ang turn ni Edward para sa photoshoot ay sobrang involved na involved ito. Sinasabihan ng celebrity doctor si Edward, na parte rin ng Sexy Solutions nila ng kanyang anak na si Cristalle Belo Henares, kung paano susundin ang pegs para sa pictorial at mag-emote sa harap ng camera.

Si Edward din ang nagsisilbing fitness trainor ni Cristalle, kaya medyo nahihiya ang huli na makita kung gaano ka-sexy at daring ang ginawa ng model-turned-actor sa photoshoot.

Kung sa pelikulang Kung Fu Divas nina Ai-Ai delas Alas at Marian Rivera, nahuhulog ang mga panty ng mga babaeng nakakita sa kanya ro’n, malamang gano’n din ang mangyari ‘pag nakita ng mga tao ang aktor sa kalendaryo ng belo.

S’yempre, hindi nagpahuli si Matteo na ipakita ang kanyang napakagandang katawan sa nasabing pictorial.

John-LLoyd-Cruz-Toni-GonzagaGrabe rin ang kaguwapuhan ng leading man ni Andi Eigenmann sa photoshoot at napakagaling mag-emote sa kamera, bukod sa napakabait pa. Kaya masuwerte rin ang nali-link sa kanya na si Sarah Geronimo kung totoo nga na sila na nga raw talaga bilang mag-boyfriend at girlfriend.

Pilit na iniiwasan kasi ni Matteo ang issue na ‘yun sa kanila ng pop princess ‘pag natatanong s’ya, gaya nang subukin namin. Pero napaka-polite pa rin ng young actor sa pag-decline na huwag na lang daw ‘yon pag-usapan, kaya irerespeto mo na lang ang kanyang kahilingan.

Subalit, alam namin na inspired na inspired si Matteo, dahil kahit hindi n’ya kumpirmahin kung mag-on na sila ni Sarah, kitang-kita mo ang tamis sa kanyang mga ngiti at ‘yung mga ngiti n’ya lang ang kanyang kasagutan ‘pag ang singer-actress na ang napag-uusapan at itinatanong sa kanya.

Ipinakita rin sa amin ng Belo staff ang ilang litrato na kuha nu’ng nakaraang pictorial din nila with Derek Ramsay na sobrang daring din na animo’y wala s’yang suot na brief kundi isang placqard ng belo sa kanyang hinaharap!

 

NAWALA NA nga sa ere ang Showbiz Inside Report sa ABS-CBN na ipinalalabas kada Sabado ng hapon, susundan naman ng pagre-reformat ng no. 1 showbiz-oriented talk show every Sunday na The Buzz, kung saan papalitan na nga ng bagong title at si Tito Boy Abunda lang ang mare-retain. Papalitan nina Carmina Villaroel at Janice de Belen sina Charlene Gonzalez at Toni Gonzaga. Same time slot pa rin at 4pm, pero gaya nang una na namin na naisulat dito, taped na lang daw ang bagong programa, hindi na live.

Ayon naman kay Toni nang makausap namin ito, matagal na n’yang alam, nu’ng April pa raw, kaya hindi na s’ya nagulat, pero nalulungkot pa rin s’ya, s’yempre.

In fairness, mapapanood naman ang mahusay na TV host-singer-actress sa bagong sitcom ng Dos na Home Sweetie Home with John Lloyd Cruz starting this November.

Ang tanong ngayon, ang sitcom kaya nina Toni at JLC ang papalit sa Toda Max nina Angel Locsin, Vhong Navarro at Ai-Ai delas Alas, dahil nabalitaan namin na after two years at kahit maganda naman ay mamamaalam na rin ito sa ere? How true, Ms. Cynthia “mama bear” Jourdan?

Nakalulungkot naman kung totoo nga ang tsikang ito.

 

MASAYA ANG dating nag-artista nu’ng mid-90s na si Jennifer Garoche nang sorpresahin s’ya ng kanyang long-time friend na si Cesar Montano sa grand opening ng Kirei Medical Group, katabi ng Ever Gotesco Commonwealth, na partly-owned ng una.

Touched ang beauty ni Jen, dahil nu’ng una raw, tila hindi makapag-confirm sa kanya si Cesar kung makararating ito o hindi. Binibiro nga namin ang dating aktres na baka may namagitan sa kanila noon ng aktor na itinanggi n’ya at sinabing magkaibigan lang daw talaga sila. Parang kapatid na babae raw ang turing ni Buboy kay Jennifer.

Ilan pang mga tunay na kaibigan sa showbiz ng negosyante ang dumating, gaya nina Dennis Padilla, Manila Councilor Yul Servo at Niño Muhlach kasama ang magandang asawa nito at cute na cute na anak nilang lalaki na kahawig nito.

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

11 thoughts on “Toni Gonzaga at John LLoyd Cruz, papalitan ang sitcom nina Angel Locsin at Vhong Navarro?!

  1. Magsex video na nga lang si Ngiwe! Baka sakaling mag-rate pa ang mga TV show niyang patapon at never siya ramdam. hakhakhak!

  2. Itong si TONY DULING GONZAGA feelingera kung umasta sa TV akala mo mas maganda pa sya kina Marian R., Bea A. , Heart E. Carla A. atbp.. tulad sya ng kapatid nya na mukhang syunga lang… antanda mo na Tony Duling ha tigilan mo kami…

  3. hindi naman totoo yan… ang alam ko every sunday yung kina lloydie at toni at every sat pa rin ang toda max…bakit nila tatanggalin eh, nagre-rate yon noh!

    • Jusko, sino pa bang nanonood? hakhakhak! Baka bet makipag-marathon ng show na yan sa Master Showman Presents. hakhakhaK!

  4. Pingback: Toni Gonzaga at John LLoyd Cruz, papalitan ang sitcom nina Angel Locsin at Vhong Navarro?! - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.