Toni Gonzaga: Ang Tunay na Ultimate Multimedia Star

SI TONI GONZAGA o Celestine Cruz Gonzaga sa totoong buhay ay isa sa pinakasikat na artista sa kasalukuyan na talaga namang minamahal nang napakaraming tao. Hindi lamang isang hamak na TV host si Toni kundi siya’y kilala na ngayon sa bansag na “The Ultimate Multimedia Star” dahil sa kanyang iba’t ibang talento – mapa-hosting man ‘yan, mapa-acting o biritan. Feeling ko nga, mahilo-hilo na si Toni dahil sa kanyang kabi-kabilang mga proyekto sa ABS-CBN at napakaraming endorsements. Sa sobrang galing nga ni Toni, pati ang Mr. Pure Energy na si Gary V. at Martin Nievera ay todo-papuri rin sa aktres.

Patuloy na napapanood sa Hapontastic ng ABS-CBN ang bagong serye ni Toni na Precious Hearts Romances Presents Ang Lalaking Nagmahal sa Akin kasama si Derek Ramsay. Aprub na aprub nga sa mga manonood ang tambalang Derek at Toni. Unang beses nilang magtatambal sa telebisyon kasi kahit nagkasama sila sa Maging Sino Ka Man Book 2, eh, hindi naman sila nagkaroon ng eksena na sila ay magkasama. Maliban sa PHR, siyempre, regular pa ring napapanood si Toni sa Entertainment Live! at ASAP ’09.

Inaabangan din ang nalalapit na pagpapalabas ng pelikula ni Toni kasama sina Sam Milby, Ai-Ai delas Alas, Joseph Estrada at siyempre si Mommy Dionesia Pacquiao na dinerik ni Wenn Deramas. Excited na nga ang fans sa tambalang Sam at Toni dahil sa muli silang nagkasama sa isang pelikula. Sa pelikulang My Big Love noong 2008 pa kasi huling nagkasama ang dalawa sa big screen. Siguradong hit na naman itong bagong pelikulang ito dahil sa mga sikat at bonggang cast members. May nakapag-tsika rin kasi sa akin na naayos na raw ng Star Cinema at SM Malls ang kanilang hindi pagkakaintindihan at malamang, eh, ipalabas na ang bagong pelikula ni Toni sa lahat ng mga sinehan sa buong Pilipinas. Speaking of Sam at Toni, mabibili pa rin naman ang kanilang duet album na Love Duets sa lahat ng record bars sa buong bansa.

Maliban sa bagong serye at pelikula, inaabangan din ang muling pagbubukas ng Bahay ni Kuya sa pag-ere ng Pinoy Big Brother Double Up sa Oktubre kung saan si Toni pa rin ang isa sa mga hosts. Hmm… bakit kaya pinangalanang Double Up ang pangatlong season ng PBB?

Higit sa lahat, hindi lamang sikat na artista si Toni, siya’y isang youth role model din. Ang nakatutuwa sa lahat, eh, kahit na sobrang sikat na si Toni at sobrang bongga na ng kanyang career ay hindi siya nakalilimot kailanman na magpasalamat sa Maykapal at sa mga taong patuloy na tumutulong at sumusuporta sa kanya. Kaya alam kong deserve ni Toni ang ano mang biyayang tinatamasa niya sa ngayon.

By Jeric Peña (http://www.brinknotes.net)

loading...

17 thoughts on “Toni Gonzaga: Ang Tunay na Ultimate Multimedia Star

  1. Toni is one of the most beautifu stars today kaya marami ang humahanga sa kaniya. Sabi nga ni Jobert kahit mga kaibigan niyang bading may crush kay Toni.
    Her beauty goes beyond what meets the eyes. The most important beauty is inner beauty and Toni has so much of that. Bonus na lang na attractive at sexy din siya.

  2. This article says it all ! I like how the writer describes Toni Gonzaga. Everything is so true ! Toni’s advantage is that she has so many talents. She’s ALL-IN-ONE ! This is why Toni Gonzaga is in the top Most Powerful Entertainer list.

    I saw her in person and she is super pretty. Her skin is flawless. And her legs are so sexy ! Para siyang Korean actress na napakaganda. No wonder there are so many men so attracted to her. Ito ang babaeng hindi na kailang mag show ng skin para lang maka attract ng boys. POWERFUL rin siya sa boys !

  3. CRUSH NG BAYAN ! Ito ang TUNAY NA MAGANDA ! Simple lang pero ang lakas maka attract ng mga guwapo. The best proof ng kagandahan is how strong you can attract a man ! And Toni has been courted by so many handsome guys in the business ! Ang dami daming lalaki ang naging vocal na nagka crush kay Toni DAHIL SUPER GANDA NIYA !

    I think it’s the combination of her looks, talent, and personality which makes her one of the MOST BEAUTIFUL WOMEN in showbiz today.

  4. Toni G= Toni Ganda !
    Toni G = Toni Galing !
    Toni is the best ! Ang daming humahanga talaga sa kaniya at ang mga VOCAL na humahanga kay Toni ay mga super celebrities like Gary V., Martin Niviera, Kris Aquino, Boy Abunda, among others. She is really the ULTIMATE MULTI MEDIA STAR ! Wala siyang katulad dahil hindi lang sa isang field siya nag excel pero sa maraming fields !

  5. Magaling si Toni sa lahat. . .singing, acting, comedy, drama at higit sa lahat, hosting. Hindi idinadaan sa ganda. Nasa personalidad. Marami ang natutuwa sa kanya. Hindi na kailangang mag inaarte para mapansin.
    Ang PHR -Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin, hindi masyadong napromote, pero malakas sa rating. Siguradong box office hit na naman ang movie nila ni Ai Ai, Erap at Sam. Excited na rin kami sa PBB. Giliw na giliw ang kababaihan namin sa mga suot ni Toni na gowns sa PBB. . .

  6. I always watch PHR Ang Lalaking Nagmahal sa akin. “I love the Toni and Derek tandem. Malakas pa rin sa ratings maski na mahina ang promo. Go Toni. . .Love you. . .

    • MALING MALI ka! tsk.tsk….nakita mo na ba sa personal c TONI GONZAGA?? baka pag NAKITA MO matulala ka lang….kahit di mo sya kaclose makakausap mo yan, ang GANDA GANDA NYA DI MO LANG ALAM!, BULAG KA BA?? O NAGBUBULAG BULAGAN!! DI SYA PLASTIC,!

  7. ngek!!cno niloko nu??..yes skat sya pero hndi pinakaskat..npkarami pa mas skat,mas mgnda at mas talented sa knya noh!mahiya nmn kau!!

    • Sheena and Chin, iisa ka lang. . . .Anyway, Galing ni Toni. Saludo ako sa pagpapahalaga ninyo ni Direk Paul sa Panginoon. Bagay na bagay kayo. Sana makarating ang magandang mensahe nang inyong movie sa maraming kabataan. Good luck, God bless. . .

      • ngek!ngek!mo..hndi q nga kilala yang sheena na yan!..kapal mo huh!!hndi nmn tlga kgndahan c toni noh!!and hndi sya ang pinkskat..skat lng pero hndi PINAKA!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.