Toni Fans react on Sarah-Piolo movie



HINDI NAMAN PALA
totoong hindi muna bibigyan ng bagong show ng GMA-7 si Katrina Halili dahil sa kinasangkutang kontrobersIya sa pagkabuking ng naging relasyon nila ni Dr. Hayden Kho. Ang nabuking na relasyon ng dalawa ang sinisi raw sa paglaylay ng ratings ng Gagambino sa mga huling linggo nito sa ere.

Tsismis lang pala ang tsikang pagpapahingain muna si Katrina dahil siya ang bida sa bagong story ng Dear Friend at sa March 1 na ang taping sa Dakak Resort. Si Alfred Vargas ang leading man dito ni Katrina na hindi naman siguro mali-link sa kanya’t may girlfriend ang actor. Kasama sa cast sina JC Tiuseco, Kevin Santos at Jewel Mische. Sa Dear Friend muna siya mapapanood habang wala pang bagay na pang-primetime soap sa kanya.

Samantala, hindi pa naiinterbyu si Katrina tungkol sa nabanggit ni Dra. Vicki Belo sa Showbiz Central last Sunday na sobra siyang nasaktan at hanggang ngayon, upset pa rin sa nadiskubreng relasyon nito at ng ex-boyfriend ng doktora dahil malapit na malapit sa kanya dati ang dalaga. Lubos na ikinasama ng doktora ay ang sinabi diumano ni Katrina sa video na “Girlfriend mo lang naman siya, ako asawa mo.” Ouch!

Kaugnay nito, break na rin sina Katrina at Kris Lawrence at kahit itinanggi ng dalaga na nagkaroon sila ng relasyon ng singer, alam sa showbiz kung ano ang naging relasyon niya sa Fil-Am singer. Tigil na rin ang publisidad kay Kris ngayong wala na sila ng sexy actress.

PLANO PA LANG yata ng Star Cinema na isama si Toni Gonzaga sa pelikulang gagawin nina Sarah Geronimo at Piolo Pascual, violent na ang reaction ng fans ni Toni. Ayaw nila at baka maging supporting lang daw ito ni Sarah, baka maging comic relief at higit sa lahat, ayaw nilang si Vhong Navarro ang makapareha nito.

Middle of this year pa gagawin ang pelikula, pero agad nag-petition ang fans ni Toni at ini-email sa mga reporter (kasama kami sa na-e-mail). Ang nakakaloka, kahit pumayag si Toni na makasama sa cast, ayaw ng kanyang fans.

Matagal na raw silang naghihintay ng movie nina Toni at Piolo, bakit mas nauna pang itambal ang actor kay Sarah? Pati kay Mr. Vic del Rosario, galit ang fans ni Toni na ang kasalanan lang ay ibalita sa press ang Sarah-Piolo movie. Hindi nga nabanggit ng producer that time kung kasama si Toni.

Ang suggestionng fans ni Toni, separate movie of Sarah and Piolo at a separate movie for Toni and Piolo.

AFTER JC DE Vera, si Ehra Madrigal daw ang ililipat ni Annabelle Rama sa ABS-CBN, kaya ang tungkol dito ang una naming itinanong sa actress sa presscon ng Totoy Bato na magpa-pilot this Monday sa GMA-7. Sunud-sunod ang tanong sa amin ng actress, sino raw ang nagsabi at kanino namin nalaman ang tungkol dito?

“Kung ako lang ang masusunod, I wanna stay with GMA-7 dahil dito ako nakilala at maganda naman ang project na ibinibigay sa akin. I wanna be loyal sa network na nagtiwala sa akin at gusto ko rito. Hindi ko alam ang desisyon ni Tita Annabellle,” say ni Ehra.

Nang maisip na may kontrata siya sa network at kasama siya sa Totoy Bato, nabawasan ang pagkaligalig ni Ehra, lalo na nang malamang 20 weeks tatakbo ang action series ni Robin Padilla. Excited na si Ehra sa role niya bilang isang GRO na maghahabol kay Robin at makakaribal si Regine Velasquez. First time niyang makatrabaho ang dalawa at challenge ito para sa kanya.

Mere or Less
by Nitz Miralles

loading...

3 thoughts on “Toni Fans react on Sarah-Piolo movie

Leave a Reply

Your email address will not be published.