Toni @ 10, humataw sa Big Dome

NAKAKAALIW ANG NAGING concert ng multi-media star na si Toni Gonzaga sa Smart Araneta Coliseum noong September 29 sa pagdiriwang ng ika-10 taon niya sa showbiz. Nagulantang ang lahat sa opening number ng lola n’yo sa kanyang Lady Gaga inspired black outfit while singing “Run The World” by Beyonce with G Force. Isa sa mga sorpresa kay Toni ay ang pagsundo ng kanyang sister na si Alex Gonzaga kay Direk Paul Soriano paakyat sa stage dahil bago raw sila ikasal ng ate niya, kailangan daw may stag party, hehehe! Pinaupo naman si Direk Paul dahil may lalabas daw na stripper para sayawan siya. Naloka at sumigaw ang lahat ng mga manonood nang ang lumabas ay si Vice Ganda na naka-red tanga. Nakakalokah ang mga eksena! Guest din si Piolo Pascual na kinantahan si Toni ng kantang “Nothing on You”, bumirit ang TV host-actress ng “Just The Way You Are” na lalong ikinabaliw ng mga utaw. Siyempre, ipinaalala nito ang softdrink commercial na ginawa noon ng dalawa na may tagline na “I Love You, Piolo”.  Kakakilig ‘di ba, mga kaparazzi? Halina’t silipin natin ang ilan sa mga sumuporta sa bonggang concert ni Mareng Toni. Tsuk!

Photos by Mark Atienza & Ricky Agapito

By MK Caguingin

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.