Tong Syndicate Sa Caloocan, Tuloy Pa Rin

UMAABOT UMANO sa muti-milyong pisong halaga ng salapi kada buwan ang nalilikom na tong collection ng mga tiwaling traffic enforcer mula sa mga jeepney driver, bus terminal, kasama ang mga taxi, tricycle drivers at mga illegal vendors dahilan para lalong lumala at hindi masugpo ang problema sa trapiko sa Metro Manila partikular na sa Caloocan City.

Ayon sa dating pangulo ng PISTON at ng retired traffic officer na ayaw ipabanggit ang mga pa-ngalan, sa Caloocan City pa lamang ay milyun-milyung piso na ang nakukuha ng mga kolektor ng Reformed Department of Public Safety and Traffic

Management (RDPSTM) buwan-buwan mula sa mga nasabing driver, lalo na sa mga illegal terminal.

Ang mga illegal terminal na ito ay mula sa EDSA, Benin St., Bustamante St., LRT sa Rizal Ave. Ext., 11th Ave., 10th Ave., 5th Ave., A. Mabini St. sa Maypajo, C-3 Road, sa harap ng city hall, Sangandaan, Samson Road, Torres Bugallon St., Victory Compound, MCU-Morning Breeze, MacArthur Hi-way, Bagong Barrio, B. Serrano St., at Monumento Circle na siyang pinakapusod ng hindi mapuknat-puknat na tong collection sa lungsod.

Nakatimbre din sa mga kolektor ng DPSTM ang Sierra Madre Bus terminal sa Monumento at RJ Express Bus na may parking area sa pagitan ng 8th Ave. at 9th Ave. na may biyaheng Caloocan-Arayat/Pampanga na umano nagbigay ng halagang P50,000 paunang bayad at P5,000 na lingguhan sa pinuno ng RDPSTM na si OIC Al Sta Maria.

Binanggit pa ng source na mayroong mahigit 1,000 jeepney drivers na nagyayaot sa lungsod na mayroon iba’t ibang biyahe hanggang Bulacan at Pampanga/Bataan.

Ayon pa sa source, may mga pinagkakatiwalaang kolektor ang RDPSTM tulad nina June Nicole, Paolo, Erick, Noly, Bukol, Diablo na ang pinaka-lider nila ay isang da-

ting barangay kagawad na may alyas “Mac” at isang kilala lamang sa alyas “Apple”.

Bukod sa mga nabanggit na kolektor, may mga barker pa sila na ginagawa rin nilang kolektor para hindi ha-latado ang galaw ng tong syndicate na umano tinotolera ng mataas na opisyal ng pamahalaang lungsod.

Sinabi pa ng mga source, masyadong pang-

gigipit umano ang ginagawa ng mga traffic enforcer na ito sa mga jeepney driver, na kung hindi sila nakapagbibigay ng tong linggu-linggo ay kinakargahan sila ng kung anu-anong paglabag kapag nagkakamali sila sa batas-trapiko.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.