TonDeng wedding sa ‘A Love To Last’, nakakuha ng bagong all-time high national TV rating

Bea Alonzo and Ian Veneracion a.k.a. TonDeng wedding sa ‘A Love to Last’

GRABE TALAGA! Damang-dama ang pakikisaya ng mga manonood sa buong bansa sa kasalan nina Anton (Ian Veneracion) at Andeng (Bea Alonzo) sa A Love To Last pagkatapos nitong  pumalo sa panibagong all-time high national TV rating nito noong last Friday at naging top trending topic pa sa social media.

    
Kinakiligan din ang mga pangyayari sa tinaguriang ‘wedding of a lifetime’ sa telebisyon kaya naman nakakuha ang serye ng national TV rating na 24.3% mula sa pinagsamang urban at rural homes, kumpara sa 12.8% ng kalabang programa, ayon sa datos ng Kantar Media.
     
Patok ang kasalan sa netizens na ibinahagi kung paano sila na-touch at na-inspire ng naturang kasalan. Umani ito ng maraming papuri online kaya naman trending sa Twitter ang official hashtag ng programa na #ALTLTheWedding.
   
“Kudos to ALTL sa pagpapaalala sa amin ng halaga ng pamilya at ng pagpapanatili ng tradisyon. Ang programang ito ay para sa lahat. Marami kaming natututunan,” sabi ni @Leanna_Yzabelle.
 
Pahayag naman ni @conermata101, “TonDeng wedding is such a goal. Hindi talaga mahalaga ang edad.”
 
“The wedding is so realistic and heart felt. Grabe ang kilig full of love, hands up to all who made this episode,” saad ni @alovetolastfans.
    
Inaabangan naman ngayon ng televiewers kung ano ang mangyayari sa honeymoon nina Bea at Ian.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleKung sakaling hindi siya ang ‘ka-Meant to Be’ ni Barbie: Ivan Dorschner, dapat itambal kay Arra San Agustin!
Next articleAiza sa pagpapalit ng name ni Charice: Congrats Jake!

No posts to display