Tomboy, tinira sa tindahan

 

MAAGANG KINUHA ni kamatayan ang isang tomboy nang barilin at mapatay ng isang hindi nakikilalang gunman habang ang biktima ay bumibili ng tinapay sa tindahan, kung saan ay hinihinalang may kaugnayan sa droga, sa Malabon City kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima na kaagad na namatay sa lugar mismo ng pinangyarihan ng insidente sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre .45 baril sa ulo ay nakilalang si Gerlie Geronimo, 29, ng Tenajeros St. ng nabanggit na lungsod.

Base sa isinagawang pagsisiyasat ni PO2 Edcel Dela Paz, ng Station Ivestigation Division (SID) ng Malabon PNP at may hawak ng kaso, bandang alas-12:08 ng umaga nang maganap ang pamamaril hindi kalayuan sa bahay ni Geronimo sa nasabing lugar.

Lumalabas sa ginawang imbestigasyon ni PO2 Dela Paz, kasalukuyang bumibili ang biktima sa isang tindahan nang biglang dumating ang hindi nakikilalang salarin na armado ng baril at agad na binaril sa ulo ang biktima.

Walang buhay na humandusay ang biktima sa lupa habang ang suspek ay mabilis na tumakas sa hindi malamang direksiyon dala dala ang ginamit na baril.

Ayon sa ilang kalugar ng biktima, malaki ang kanilang

hinala na may kinalaman umano sa droga ang paglikida sa biktima dahil si Geronimo ay kilalang tulak sa kanilang lugar.

Sa kasalukuyan ay patuloy na nagsasagawa ng follow-up operation ang nasabing himpilan ng pulisya upang makilala at maaresto ang sinasabing suspek upang mabigyan ng hustisya ang pagpatay kay Geronimo. (ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.