Tomboy, suspek sa pagpatay sa teacher

 

MALAKAS ANG LUMILITAW na ebidensiya ng mga awtoridad laban sa isang tomboy, suspek sa pagpatay sa isang public school teacher, makaraang hindi na ito umuwi sa inuupahan niyang  kuwarto, na kalapit ng bahay ng napatay na guro sa Caloocan City, iniulat ng pulisya kahapon.

Ito ngayon ang lumalabas sa follow-up investigation nina PO2s Romel Bautista at Nestor Arcitio ng Station Investigation and Detective Management Branch ng Caloocan Police Station.

Nilinaw rin ng dalawang imbestigador na walang katotohanan na dumaan sa bubu-ngan ng bahay ng biktimang si Myrna Ariate, 62, residente ng # 29 Malvar St., Brgy. 133, Bagong Barrio ng nasabing lungsod ang suspek na hindi bababa sa dalawang katao, gaya ng pahayag ng kaanak ng biktima.

“Tinignan naming ‘yung bubong ng bahay, hindi naman tinuklap. Sa pintuan dumaan ang suspek at walang forcible entry na nangyari,” paliwanag nina Bautista at Arcitio.

Kakilala umano ni Ariate ang suspek at pinapasok ito ng biktima sa loob ng kanyang bahay.

Hindi pa nakikilala ng mga pulis ang tomboy na anim na buwan nang umuupa sa kuwarto ng napatay na teacher.

Nadiskubre  ang labi ng guro sa lob ng kanyang bahay ng kapit-bahay nito noong nakaraang Biyernes, bandang alas-6:30 ng gabi.

Paggawa ng basahan ang hanap-buhay ng tomboy at tela rin ang itinali sa kamay ng teacher, bago pinalo ng tatlong ulit sa ulo na siya nitong ikinasawi.

“Iba ang lakas ng babae, kung lalaki ang pumalo hindi na ito uulitin pa, tiyak patay na ang subject lalo pa’t may edad na,” dagdag pa ng mga imbestigador.

Hindi na rin nagpakita ang tomboy simula nang mapatay ang guro.

Nakaburol pa ngayon sa kanilang bahay si Ariate na 30 taon nang nagtuturo sa Bagong Barrio Elementary School.

Inaalam na ng mga awtoridad ang pangalan ng tomboy at ang kinaroroonan nito.

“Kung wala siyang kasalanan bakit bigla na lang siyang nawala nang walang dahilan,” anang mga imbestigador. (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.