Tomboy, patay sa pananambang, nobya kritikal

PATAY ANG ISANG negosyanteng tomboy habang nasa malubhang kalagayan ang nobya nito, makaraang tambangan at pagbabarilin ng hindi kilalang suspek kamakalawa ng madaling-araw sa Caloocan City.

Agad na nasawi sa pinangyarihan ng insidente sanhi ng tinamong tama ng bala ng cal. 39 sa kaliwang tagiliran na tumagos sa kili-kili ang biktimang si Nieves Tolido, 49, negosyante, ng Phase 5, Bagong Silang, Caloocan City habang ginagamot naman sa Far Eastern University (FEU) Hospital ang kanyang kasamahan na si Gloria Petina, 69, na nagtamo ng bala sa kanang tenga.

Nagsasagawa naman ng follow-up investigation ang Caloocan Police para sa pagkakakilanlan sa suspek na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril at pana-nambang.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Phase 4, Bagong Silang, Caloocan City.

Lulan ng kanyang owner type jeep (PSP-567) si Tolido kasama si Petina, nang biglang harangin ng hindi kilalang suspek ang kanilang sinasakyan at saka pinagbabaril.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, posibleng may kinalaman sa negosyo ang motibo nang pamamaslang sa biktima. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.