Tomboy na nagpapa-5/6, pinasabog ang bungo

SABOG ANG bungo ng isang tomboy matapos na barilin sa ulo ng isang hindi nakikilalang suspek habang ang biktima ay naglalakad kamakalawa ng umaga sa Malabon City.

Hindi na umabot nang buhay sa Pagamutang Bayan ng Malabon sanhi ng isang tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa ulo ang biktimang si Shirley Jasareno, 42-anyos, ng Sitio-6, Barangay Catmon ng nasabing lungsod.

Base sa ulat ng Malabon City Police Station, dakong alas-7:20 ng umaga nang maganap ang pamamaril hindi kalayuan sa bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Nabatid na naglalakad ang biktima galing sa palengke nang biglang sumulpot ang isang hindi pa nakikilalang lalaki at kaagad na binaril ng biktima sa ulo.

Matapos ang nasabing pamamaril ay mabilis na tumakas ang hindi nakikilalang salarin, habang ang biktima naman ay mabilis na isinugod ng kanyang mga kapitbahay sa nasabing pagamutan, su-balit hindi umabot nang buhay.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, wala naman silang alam na naging kaalitan ng biktima ma-liban sa nagpapautang ito ng 5/6.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ang nasabing himpilan ng pulisya ng follow-up operation upang matukoy ang may kagagawan at malaman din ang tunay na dahilan sa likod ng nasabing insidente.

 (ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.