Tom Rodriguez, urong-sulong kay Carla Abellana

Tom-RodriguezNAKU! NAGDI-DENY si Tom Rodriguez na sila na ni Carla Abellana ha! Kahit marami ang nakakakita na dumadalaw si Carla kay Tom sa taping nito sa Don’t Lose the Money.

Sabi ni Tom, minsan lang daw pumunta si Carla sa kanila dahil nandun din si Dennis Trillo na nag-guest sa game show na ‘yun.

Sabi ni Tom, parang reunion lang daw nila ‘yun ng cast ng My Husband’s Lover.

Ang inamin lang ni Tom, nanunuyo raw siya kay Carla, pero ayaw naman sabihin na nanliligaw.

Ewan ko ba kay Tom kung ano ang ibig niyang sabihin. Basta nakikita namang parang sila na eh.

Ang sabi lang kasi ni Tom, mas maingat na raw siya ngayon. Mas gusto raw sana niyang mas private lang at hindi na i-showbiz kung sakaling may karelasyon na siya.

Kaya siguro hindi na muna sila umaamin ni Carla, ‘no!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Tom Rodriguez, urong-sulong kay Carla Abellana

  1. Well at least consistent siya kasi panay din ang deny niya noon na gf niya si K-La Rivera. Pero kung gusto niya private ang lovelife niya dapat hindi niya jinowa si Carla kasi showbiz na showbiz yan eh no! Sigurado hindi sila magtatagal hahaha!

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.