Tom Rodriguez, tinablan kay Carla Abellana

Carla-Abellana-Tom-RodriguezINAMIN NI Tom Rodriguez na tinablan siya sa kissing scene nila ni Carla Abellana sa swimming pool sa movie nilang So It’s You ng Regal Films. Sa naturang eksena kasi ay naka-swimming trunks lang si Tom at nakadikit ang katawan niya kay Carla.

Nagkataon pa raw nang ginagawa nilang ang movie na idinirek ni Jun Lana ay gandang-ganda siya kay Carla. Kailangan pa na ipakita ni Tom sa eksena na mahal na mahal niya ang actress.

Natawa at nagbiro na lang si Tom sa pagtatanong ng press kung may tumayo raw ba sa parte ng kanyang katawan sa kissing scene nila ni Carla?

Kaagad naman sinabi ni Tom na quarter mass lang daw ang tumayo at hindi naman talaga kalahati. Nagkakabiruan daw sila ni Carla sa eksenang ‘yun lalo at alam din nitong naku-conscoious siya sa pagsusuot niya ng swimming trunks. Pero nagawa raw nila nang tama ang naturang eksena at lumabas naman na maganda.

Samantalang inamin din ni Tom na wala raw talaga siyang planong pasukin ang puso ni Carla sa ngayon.

Naniniwala raw siya na magigng awkward kung liligawan niya ang leading lady sa So It’s You, lalo at may pinagdaraanan pa rin ito sanhi ng break-up kay Geoff Eigenmann.

Ang focus niya raw ngayon ay trabaho para pagbutihan pa ang project na ibinigay sa kanya ng GMA 7 na Nino.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

2 thoughts on “Tom Rodriguez, tinablan kay Carla Abellana

Leave a Reply

Your email address will not be published.