Tom Rodriguez, saksi sa pagmamahalang Aiza Seguerra-Liza Diño

Tom-RodriguezHINDI RAW makapaniwala si Tom Rodriguez na hanggang ngayon ay mainit pa rin ang pagtanggap sa kanilang dalawa ni Dennis Trillo. Ilang buwan na ang dumaan matapos umere ang My Husband’s Lover kung saan nabuo ang TomDen tandem nila pero hanggang ngayon ay mainit pa rin ang pagtanggap sa kanila sa mga pagkakataong nagpi-perform sila together.

Kamakailan, tumanggap din nga sina Tom at Dennis ng award para sa album nilang TomDen na nag-gold record na. Kaya abut-abot ang pasasalamat nila sa lahat ng patuloy pa ring sumusuporta sa kanila.

“So totoo lang, nakapagtataka,” ani Tom. “Pero masaya kami at lalo kaming ginaganahan kapag nakikitang excited pa rin sila sa aming dalawa.

“Nakakatuwa na halimbawa nga, sa mall show, instant ‘yong nakukuhang reaksiyon nila, eh. Maririnig mo talaga kung ano ang nararamdaman nila sa kalooban nila. And masarap ma-feel ‘yon bilang isang performer. Ang sarap na makita na ‘yong mga kinakantahan mo eh, nag-i-enjoy.

“Hindi pa dito magtatapos ang TomDen. Magsorpresahan na lang tayo lahat. Basta… abangan na lang nila. Marami pa silang dapat na abangan.”

Naging saksi si Tom sa nangyaring proposal ni Aiza Seguerra kamakailan sa girlfriend nitong si Liza Diño. At masaya raw siya para sa dalawa.

“I was there. I was very happy na pinagkatiwalaan ako ni Aiza bilang kaibigan na ma-witness ‘yong napaka-espesyal na moment na ‘yon. I was really really happy na I was there. And grabe si Aiza, eh. Napaka-elaborate ng sinet-up niyang pagpu-propose. Hindi biro ‘yong ginawa niya na nag-set-up siya ng isang malaking production talaga.

“Hindi ko alam kung paano ‘yon mai-describe. Pero nakapaganda talaga. At napakasaya ko para sa kanilang dalawa. Na nanonood lang ako, witness lang ako pero tumutulo na rin ang luha ko no’ng time na ‘yon. Sobrang saya. Tears of joy ‘yong… naiyak din ako. Siyempre ang saya ko rin. Kasi finally… oh, it’s happening!

“Alam mo, sa kuwentuhan pa lang namin, sa journey ng lovestory nila, I’ve been there bilang isa sa supporters nila. And I’ll still be here for them. Gano’n naman kapag kaibigan, ‘di ba?”

Bilib din daw siya kay Liza na girlfriend nga ni Aiza.

“Napakabait niya. She’s very very sweet talaga. Sobrang caring. And you could see how much she really loves Aiza. And also how much Aiza loves her. They really love each other so much,” sabi pa ni Tom.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

One thought on “Tom Rodriguez, saksi sa pagmamahalang Aiza Seguerra-Liza Diño

Leave a Reply

Your email address will not be published.