Tom Rodriguez, natutuwa ‘pag may nagkakagustong beki sa kanya

Tom-RodriguezIMBES NA ikagalit ni Tom Rodriguez na may mga nagpapantasya sa kanyang mga beki at paminta, ikinatuwa pa ito ng binata. “Flattered ako kung may nagkakagusto sa aking gay. Wala namang masama kung humanga sila sa ‘yo tulad ng role ko rito sa “Bekikang” na dinirek ni Wenn Deramas. Ako ang love interest ni Joey Paras na malaki ang paghanga niya sa akin. Thoughtful, loving, daig pa niya ang tunay na babae kung magmahal,” papuring sambit ng actor.

Nalaman namin kay Direk Wenn na si Joey P., ang nag-request through text na kung puwede si Tom ang maging leading man niya sa movie. Si Dingdong  Dantes ang first choice kaya lang, hindi puwede ang actor dahil may serye itong ginagawa sa Kapuso Network.

Bilang actor, saludo si Tom kay Joey P., “Ang galing niyang umarte, madadala ka sa eksena kapag si Joey ang ka-back-to back mo sa scene. Sobrang talented nu’ng tao. Hindi lang siya komedyante, actor siya,” dugtong pa nito.

Tom-RodriguezNatawa nga si Tom sa sinabi ni Joey P., na kung sakaling magbubuntis siya at magkakaanak, sina Dingdong Dantes at Tom Rodriguez ang gusto niyang maging ama ng kanyang mga anak. “Guwapo, macho, mabango, maganda ang katawan at higit sa lahat, napakabait na tao. Mahusay makisama sa mga tao at down-to earth ang pag-uugali,” pagmamalaking bida nito.

Comment ni Tom, “Hindi mahirap mahalin si Joey P., may mga katangian ang gay na hindi mo makikita sa isang tunay na babae. Sobrang maalaga sila sa love nila. Hindi naman ako tumitingin sa panglabas na anyo. Ang importante sa akin ‘yung pag-uugali at pagiging totoo sa sarili. Kapag nagmahal ka total package ‘yun, pati pangit sa kanya, you have to accept it.”

Hindi raw maiiwasan pagkamalan siyang beki dahil sa role na ginampanan niya sa MHL as Vincent, lover ni Eric (Dennis Trillo). Ibig sabihin, effective ‘yung character na pino-portray niya kaya nadadala ang manonood sa pagiging bading nito. Nang dahil sa beki-seryeng ito, naging mabilis ang kanyang pagsikat. Naging bukam-bibig ang pangalan ni Tom Rodriguez sa gay community at social media. Tinitilian at pinapantasya, hindi lang ng third sex, maging ng mga babae at matrona.

Tunay na actor na ngayon ang turing kay Tom ng mga kapwa niya artista at mga director. Magaling din siyang singer, puwedeng mag-concert. Sa tindi ng boses at outstanding performance on stage, why not? Nasaksihan namin kung papaano siya tinitilian ng kanyang mga fans sa Smart Araneta, winner talaga ang hunk actor!

 

KINAGIGILIWAN NG mga bata every weekend ang TV program sa bansa, ang Wansapanataym, Holloween Special na pinagbibidahan nina Ai-Ai delas Alas, Cherry Pie Picache at Izzy Canillo. Maging kami ay naki-join na rin sa panonood sa mga bagets para mag-watch ng show ng box-office queen. Totoong nakatutuwa kaya naman hataw ito sa taas ng rating. Ayon sa Kantar Media noong Sabado (October 12), naging no. 1 overall sa bansa ang unang episode ng “Moomoo Knows Best”na taglay ang 30.9 % national TV ratings.

Last Saturday, unti-unti nang magbabago ang buhay ng pamilya ni Joanna (Ai-Ai) ngayong mayroon na silang kakayahan na makakita ng mga kaluluwa. Say nga ni Ai-Ai, “Super aliw ako sa taping namin. Para lang kaming naglalaro ng mga bata sa bahay. Enjoy, kami-kami nagtatakutan tapos magtatawanan after the take. It’s another experience as a mother itong Wansapanataym. Feeling ko nga, Halloween tuwing nasa taping ako,” say ng Comedy Queen.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

5 thoughts on “Tom Rodriguez, natutuwa ‘pag may nagkakagustong beki sa kanya

Leave a Reply

Your email address will not be published.