Tom Rodriguez, leading man ni Angelica Panganiban sa pelikula!

USO TALAGA ANG lipatan blues sa mga networks. Ang latest, babalik na sa GMA-7 ang young actress na si Charee Pineda na napanood natin nang ilang taon sa various ABS-CBN 2 shows, most recently ay sa Katorse ni Erich Gonzales.

Nag-expire na ang contract ni Charee sa Star Magic ng Dos. Hindi na rin si Becky Aguila ang kanyang manager kundi co-manage na ngayon nina Tom Adrales at Popoy Caritativo, manager din nina Marian Rivera, Dennis Trillo, at Mart Escudero.

Si Becky rin ang dating manager ni Angel Locsin na ngayon ay nasa pangangalaga na ni Manay Ethel Ramos, Aga Muhlach’s manager. Si Joross Gamboa na for a time ay hinandle din ni Becky nu’ng nasa Dos pa ito ay under Noel Ferrer na ngayon at lumipat na rin sa Siyete, pasok sa cast ng First Time.

So, hindi lang pala sina Angel and Joross ang nagpaalam na kay Becky, kundi pati si Charee na rin. Magkaganunman, bilib pa rin kami kay Becky sa pagtataguyod niya kay Angel upang marating nito ang tinatamasang kasikatan, pati na kay Jennylyn Mercado. She still handles Empress Schuck and Valerie Concepcion now.

Going back to Charee, matatandaang “pinatay” agad ang role nito sa Impostora ng GMA, dahil sinama siya ni Becky kay Angel sa pag-ober da bakod nito sa Kapamilya station. Mukhang hindi na rin happy si Charee sa takbo ng kanyang career sa Dos kaya nagdesisyong bumalik sa dating network.

BAGO PALA ANG sequel ng blockbuster na Kimmy Dora ni Eugene Domingo ay may isa muna itong gagawing comedy film with Angelica Panganiban, ang Here Comes The Bride, mula sa Quantum Films (nag-produce ng Biyaheng Lupa ni Direk Armando Lao, among others), co-production ng Star Cinema and Octo-Arts Films.

Si Direk Cris Martinez na siyang magaling na scriptwriter ng “nakababaliw” na Kimmy Dora, ang writer-director din ng new movie nina Angelica and Eugene. Nakasama naman si Eugene sa 100, ang directorial film debut ni Direk Cris, mula sa Cinemalaya 2008, kung saan nag-win si Direk Cris as Best Director at si Mylene Dizon bilang Best Actress.

Young bride ang role ni Angelica sa new movie, si Uge ang ninang. Lalong riot ang cast dahil kasama sina John Lapus at Tuesday Vargas. Hindi man natuloy ang ex-PBB Double Up housemate na si Tom Rodriguez sa Hating Kapatid nina Judy Ann Santos and Sarah Geronimo under Viva, pasok naman si Tom sa cast ng Here Comes The Bride bilang groom ni Angelica. Nag-story conference na ang cast nito, at June ang target showing.

May offer din ang Regal Entertainment kay Direk Cris to do the remake of Temptation Island, isang classic at hit comedy ng kumpanya ni Mother Lily Monteverde. Secret pa ang cast nito kahit alam na namin ang name ng isang maganda at sexy young actress.

SPEAKING OF ANGELICA Panganiban, tinalbugan nito ang kaseksihan ng ibang aktres sa presscon ng Latin party-themed presscon nito ng Rubi, ang kanyang bagong teleserye sa ABS-CBN, kasama sina Diether Ocampo, Jake Cuenca, Shaina Magdayao, among others.

Sexy si Angelica and halos lumuwa ang boobs nito sa red hot sexy dress nito na sabi nga ng ilang mga kasamahan sa panulat, eh talbog si Marian Rivera pagdating sa sexy dancing.

Ilang taon ding wala pang solo, as in solo lead na primetime teleserye si Angelica, at hindi mo ito nakitaan ng pagkainip dahil alam niyang she’s in good hands with Star Magic and ABS-CBN. Dati kasi’y mga group lead shows siya napasama like Maging Sino Ka Man (Book 2) at naging kontrabida pa sa Iisa Pa Lamang.

Bida-kontrabida man si Angelica sa Rubi, at least, wala na siyang kahati as lead actress, huh!

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

3 thoughts on “Tom Rodriguez, leading man ni Angelica Panganiban sa pelikula!

  1. Mukhang hindi na rin happy si Charee sa takbo ng kanyang career sa Dos kaya nagdesisyong bumalik sa dating network. –ganun? well lahat naman sila na under kay becky tumamlay ang career diba angel?

    pinoy big baboy:survivor edition??

  2. Ah, buti pa sa PBB may sumisikat, may nagkakapelikula, may nagkaka TV show

    Anu na pala nangyari sa Surbaboy: Palaos ng kanguso???

    hahhahha

    • ung na2lo at mga runner up ayun…sa kniknilang lugar
      nagpa2ksarap sa npanalunan nilng anda
      gamitin mo nga utak mo…d po talent search ang survivor
      game po ito…ptibyan ng lakas ng isip at ktwan at pgalingan ng diskarte
      hndi pwede ang walng utak na kgya mo….hihi

      ang pbb na pinagma2lki mo…kht walng star quality…pasok prin sa freezer nyo…

Leave a Reply

Your email address will not be published.