Tom Rodriguez, huli na para maibigay sa ama ang dream house sa Subic

KAMAKAILAN lang, namatay ang ama ni Tom Rodriguez. Naging huli na ang lahat para matupad pa niya ang layunin na ibigay rito ang pinapangarap na bahay sa Subic.

Nag-iipon si Tom para mabili ang dream house ng kanyang ama – isang bahay na matatagpuan sa Subic.

Tom Rodriguez (courtesy of Facebook: Tom Rodriguez)

Tom Rodriguez and his dad (courtesy of Facebook: Tom Rodriguez)

Kuwento ng Kapuso actor, “My dad went through ano, eh, this past year, been battling cancer. So, iyon ‘yung sinabi ko kay Daddy, ‘Hey, you better get ano, hurry up, magpagaling ka, because I wanna take you here. ‘Yung dream niyang bahay sa Subic where he spent a lot of his time din. Iyon ang pinagtatrabahuan ko ngayon.” 

Ngunit laking gulat ng lahat noong sumakabilang-buhay na ang Amerikanong ama niya na naninirahan sa Arizona, USA dahil sa sakit na lung cancer.

Pinanood pa ng ama ni Tom ang show nila nina Dennis Trillo, Lovi Poe, at Jennylyn Mercado sa Los Angeles noong nakaraang buwan. Bumiyahe ito mula Yuma, Arizona kasama ang pamilya para lamang mapanood ang kanyang anak.

Samantala, sa pamamagitan naman ng isang post, sinabi ng aktres na si Carla Abellana si Tom na daw ang pinakamatapang na lalaking nakilala niya.

Labis na hinahangaan ni Tom ang kanyang ama at ito rin daw ang dahilan kung bakit nais niya munang maayos ang kalagayan ng kanyang pamilya bago siya magpakasal.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.