Tom Rodriguez, happy with Marian Rivera!

KAHIT PA SI Tom Rodriguez lang ang nag-iisang Kapamilya sa cast and crew ng Temptation Island remake, feel at home naman ito sa piling ng mga Kapuso partikular na sa kapareha niyang si Marian Rivera.  Nagtweet ito (@akosimangtomas) bago ma-packup ang shooting ng pelikula sa Ilocos: ‘Packup na ang temptation island for the holyweek…seryoso ako na mamimiss ko talaga ang buong cast at crew ng temptation island. Wala akong masabi sa kabaitan nila at kung pano nila akong tratuhing parang parte ng grupo :) lalo na si marian na natakot ako at naiintimidate nung una ko syang mameet eh napakabait pala at sobrang kalog :) ang astig nilang lahat :)’. Agad naman na ikinatuwa ng mga tagahanga ni Marian na may isang taga-dos na pumuri sa kanilang idolo.

Mikael Daez, bagong salta pa lang, umaarangkada na!

Mapalad na maituturing ang Kapuso newbie na si Mikael Daez. Maliban sa siya ang leading man ni Marian Rivera sa Ang Spooky Mo presents Bampirella at sa nalalapit nang ipalabas na Amaya, siya rin ang last minute replacement kay Paulo Avelino sa Temptation Island. Kinai-langang mag-back out ni Paolo sa nasabing pelikula dahil nagkasakit ito. Ang papel na dating ginampanan ni Ricky Belmonte bilang boyfriend ng bading (played by John Lapus) at magiging lover ng social climber na si Pura (played by Solenn Heussaff) ang nakatoka sa binata. Matatawag na swerte nga ang baguhang talent ng Siyete dahil hindi basta-bastang projects lang ang inilatag sa kanya. Host din siya ng isang travel show entitled ‘World Premiere’.

Dennis Trillo, pasok na rin sa Temptation Island!

Dapat ay surprise ang pagpasok ni Dennis Trillo sa Temptation Island, pero nag-leak na rin sa mga forums ang pagkakasali ng aktor sa pelikula. Si Dennis ang pumalit kay Joem Bascon bilang isa sa mga boyfriend ni Marian Rivera sa pelikula. Nadulas din sa isang panayam ang aktor nang tanungin ito ng press. Maliban sa Temptation Island, malapit na rin simulan ang shooting para sa romance-drama flick na ‘My Neighbor’s Wife’, kung saan makakasama ni Dennis sina Lovi Poe, Carla Abellana at Jake Cuenca. Iwas na iwas pa rin ito sa tuwing tinatanong siya tungkol sa break-up nila ni Jennylyn Mercado.

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.