Tom Rodriguez & Carla Abellana: Are You Mine?

TOM RODRIGUEZ
Real Name: Bartolome Alberto Mott
Birthdate: October 1, 1987
Zodiac Sign: Libra
Symbol: The Balance

Ruling Planet: Venus

Quality: Cardinal

Element: Air

Basic Trait: I Balance

Closest Metal: Copper

Lucky Day: Friday
CARLA ABELLANA
Real Name: Carla Angeline Reyes Abellana
Birthdate: June 12, 1986
Zodiac Sign: Gemini
Symbol: The Twins

Ruling Planet: Mercury

Quality: Mutable

Element: Air

Basic Trait: I Think

Closest Metal: Quicksilver

Lucky Day: Wednesday

 

BAGONG SALTA sa Kapuso Network ang Pinoy Big Brother housemate-turned-drama actor na si Tom Rodriguez. Bongga agad ang kanyang welcome project dahil siya ang pag-aagawan nina Carla Abellana at Dennis Trillo sa My Husband’s Lover. Siguradong maraming kloseta ang makare-relate sa kanyang papel sa istorya. Very challenging din ang natokang trabaho sa kanya at marami ang nag-aabang kung may ibubuga nga ba siya sa aktingan? Baka kainin lang siya nang buhay ng ibang lead stars, huh!

Surely, mas marami ang mga beking kikiligin sa Tom-Dennis love angle, pero hindi rin naman maikakaila na bagay rin talaga sila ni Carla. Naka-tenga man ng halos isang taon ang pretty star, worth the wait naman ang proyektong ito.

Alam ng lahat na going strong ang relationship nina Carla at Geoff Eigenmann at may tsika na dyowa pa rin ni Tom ang kapwa PBB housemate na si Princess Manzon. Kung sakali kaya ay may chance kaya na maging sina Tom at Carla in real life?

Maganda ang rapport ng Gemini at Libra. Gustung-gusto nilang makisalamuha sa mga tao at natural ang pagiging malambing at maaalahanin. Considerate ang Libra lalo na sa pamilya at minamahal nito. Ang common trait nila ay hindi sila agad-agad nagbibitiw ng desisyon lalo na kung life-changing ito.

Automatic na gets nila ang nararamdaman ng isa’t isa. No words needed. Glances are enough! Pareho silang matalino and there’s no dull moment between them. Mahuhulog ang Libran sa deep concepts at romantic nature ng Gemini. Sa kabilang banda, maaaliw sa sense of humor and wit ng Libra ang Gemini.

Mahilig mag-experimento ang Gemini at Libra pagdating sa romance department. Punong-puno ng romansahan at pagpa-party ang match na ito! Hindi sila masyadong clingy at nirerespeto nila ang privacy ng isa’t isa. Kailangan lang nilang mag-ingat sa usaping pinansyal dahil parehong magastos ang dalawang zodiacs na ito. Ingat, ingat!

There you go! Kung sa My Husband’s Lover, tila dehado si girl, mukhang in real-life ay hindi magkakaroon ng ganoong scenario. Tom and Carla? Bet na Bet na Bet! Bongga!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

2 thoughts on “Tom Rodriguez & Carla Abellana: Are You Mine?

  1. Mas bagay nga si beautiful Carla Abellana at Tom keysa kay Jeoff na bilbilin…
    Pareho silang seksi at in all fairness sa kanila napakalakas ng chemistry nila ha… Bongga…

Leave a Reply

Your email address will not be published.