Tom Rodriguez at Dennis Trillo, nasarapan sa kanilang laplapan!

Dennis-Trillo-Tom-RodriguezWALA NA akong tiyagang maghintay ng gabi para mapanood lang ang concert ng My Husband’s Lover na ginanap sa Araneta Coliseum nu’ng kamakalawa ng gabi.

Pero ang mga beki, aligagang-aligaga sa pagkuha ng tiket para makapanood lang. Mabuti na lang at nakakuha na rin ng tikets ang mga kakilala ko kaya nakidagsa na rin sila sa Araneta.

Kuwento sa akin ng mga bakla, hindi raw gaanong napuno ang Araneta pero maganda raw ang concert. Doon daw naipakita ni Tom Rodriguez at Dennis Trillo na puwede talaga silang maging concert artists. Kahit nga si Carla Abellana, nakakanta na rin kahit hindi naman siya singer.

Kaya successful pa rin ang show dahil maganda ang feedback at nag-enjoy ang mga nanood lalo na ang mga beki. Sabi nga nila, nagulat sila na pati si Roi Vinson ay nakakakanta, at talagang nakipag-duet kay Kuh Ledesma.

Kaya magandang promo rin ito sa huling linggo ng My Husband’s Lover. Sa October 18 na ang finale nito kaya malamang wagi ‘yan sa ratings.

Ang alam ko, merong kissing scene sina Tom at Dennis, pero malamang na hindi mapapanood ‘yan sa TV. Buy na lang kayo ng DVD copy niya dahil nandu’n ang mga eksenang hindi puwede mapanood sa TV, lalo na itong kissing scene ng dalawa.

Dennis-Trillo-Tom-RodriguezNatanong ang dalawa kung ano ang naramdaman nila sa halikang ‘yun, sabi raw nila “masarap pala”. Nakakaloka!

 

MAMAYANG HAPON na pala magsisimula ang bagong programa sa TV5 na Face the People, na ito ‘yung ipinalit sa rater nilang Face to Face.

Ito dapat ang gagawin ni Amy Perez sa TV5 na bale makakasama na niya si Gelli de Belen. Pero hindi pa rin nakasusundo ni Amy ang mga staff nito na siya ring kasama niya rati sa Face to Face.

Pero sinabi naman ng mga staff na naayos nila ang problema na ‘yun kay Amy at okay naman daw sila.

Kaya lang, bakit ayaw pa ring gawin ni Amy? Hanggang sa tuluyan na niyang iniwan ang TV5 at alam ko babalik siya sa ABS-CBN 2.

Kaya ang ipinalit sa kanya ay si Tintin Bersola-Babao na kasama naman nito sa Good Morning Club.

Nilinaw naman ni Tintin na naayos niya ito kay Amy, at may blessings daw ito ng kaibigan  niya. Ayaw naman daw ni Tintin na masira ang friendship nila ni Amy dahil lang sa isang show.

Kaya wala na raw problema at magsisimula na nga ito mamayang 4:30 ng hapon. Ibang-iba ito sa Face to Face na maingay at sapakan lang sila nang sapakan.

At least, maayos ito ngayon para okay sa mga advertiser, ‘di ba? Kasi dati hindi raw type ng mga advertiser ang Face to Face kahit nagri-rate ito.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Tom Rodriguez at Dennis Trillo, nasarapan sa kanilang laplapan!

Leave a Reply

Your email address will not be published.